Kisha's Point of View
Nagising na lamang ako na wala ng katabi sa kama. Wait, kama? Ang alam ko ay nasa tent kami natutulog ni Ravel a.
Bumangon na ako sa kama pero napahiga lang ulit ako dahil sa sakit ng ulo.
"Argh! Fuck hangover!". Daing ko. Hindi na talaga ako iinom, hays.
Pinilit ko na lang bumangon para makaligo, nang mabawasan din ang sakit ng ulo ko. Nakakaisang hakbang pa lang ako ng maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng hita ko. Bigla namang nagflashback sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Sa pagkawala ko sa sarili, pagkwento ko, at... at ang nangyari sa'min kagabi. Bahagya namang namula naman ang pisngi ko. Oh damn! Makaligo na nga lang, ililigo ko na lang ang mga nangyari kagabi.
Ravel's Point of View
Maaga akong nagising para ipagluto ang mahal kong si Kisha. Pasipol-sipol pa ako habang nagluluto ng almusal naming dalawa. Nilagay ko sa tray ang mga pagkain at sa kwarto na lang kami kakain. Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari kagabi, hindi ko maiwasan ang mapangiti.
Paakyat pa lang sana ako sa hagdan ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. It was Vivienne who was calling. Ano naman kaya kailangan nito? I answered her call at bumungad sa'kin boses na nagbabangayan at alam kong mga kaibigan ko iyon. Magkakasama ata ang mga loko.
"Hoy, kayong dalawa! Magsitahimik na nga kayo diyan. Sinagot na ni Ravel yung call". Sita ni Vivienne sa kanila. Kahit kailan talaga ay napakaseryoso.
Bigla namang tumahimik ang kabilang linya ngunit maya maya ay nakarinig na naman ako ng bangayan kaya natawa na lamang ako. Alam ko kasing inaasar lang ng dalawa si Vivienne.
"Tsk! Kahit kailan talaga ay napakaisip bata niyo". Rinig kong sabi ni Vivienne.
"Kami? Kami ba talaga ang sinasabihan mo na mga isip bata? Hey bro, nakailang babae na kaming nakama at napaligaya. Kaya na din naming bumuo ng pamilya kung gugustuhin nga ba nilang makasama kami at mapangasawa. Baka nga ikaw ang isip bata sa'tin dito dahil hanggang ngayon ay virgin ka pa rin. Ang hina mo sa babae hahaha". Rain said saka tumawa ng tumawa.
"Gago! Hindi ako mahina 'no! Mga wala lang talaga kayong alam!". Vienne said to them.
Mga ilang segundo pa ang lumipas ay humina na ang mga tawanan. Lumayo na siguro muna 'to sa mga mokong yun.
"Hey Ravel". She said ng makasigurong nakalayo na siya, hindi ko na rin naman naririnig ang maingay na boses ng mga kaibigan ko.
"Oh? Bakit ka napatawag? May problema ba kayo diyan?". Tanong ko sa kanya. Binuksan ko na ang pinto ng kwarto at pumasok. Nilapag ko na rin ang tray sa table.
"Kapag ba tumawag kami sa'yo ay may problema na agad? Hindi ba pwedeng namiss ka lang namin dito?". Sabi niya saka tumawa. Isa din itong baliw eh.
"Gago. Ano nga Vienne? Bakit ka napatawag?". I asked her again. Wala dito si Kisha, siguro ay naliligo.
"Wala naman. Gusto ko lang naman na kamustahin ka diyan. Ano na bang nangyari? Napaamo mo na ba si Kisha mo?". Tanong niya sa'kin. Akala ko pa naman ay hihintayin na muna nila akong umuwi para magkwento sa kanila then ganito pala. Mga atat talaga.
"Tsk! Mga excited naman kayo e. Syempre secret muna yon ano". Sabi ko sabay tawa. Narinig ko namang nagmaktol ito.
"Pa-secret secret pa. Magkaibigan naman tayo kaya sabihin mo na". Pagpupumilit niya.
"Sekretong malupit kasi a. Saka na lang ako magku-kwento kapag nakabalik na kami diyan". Sabi ko na lang sa kaniya.
"Bakit? Kailan ba ang babalik niyo?". Tanong naman niya.
"Hm, After 2 months". Sagot ko.
"What, 2 months?! Paano mo naman siya napapayag?". Curious niyang tanong.
"Wala naman. Nadaan ko lang naman sa masinsinang usapan kaya pumayag". Sagot ko. Napa-tsk naman siya dahil alam niya kung ano ang ginawa ko.
"Mabuti naman pala ay napa-oo mo siya diyan sa sinasabi mong masinsinang usapan. And guess what Ravel, hinahanap na siya ng parents ni Kisha lalong lalo na itong si fiancé niya na halos maulol na sa kakahanap sa kaniya". Paliwanag niya ng ibahin niya ang usapan.
"Pero wala namang nakakaalam na tayo ang kumidnap di ba? Kaya safe pa rin tayo. Hayaan na muna natin sila. Magpapaka-selfish muna ako kahit ngayon lang. At wala akong pakealam sa fiancé niya, hayaan mo siyang maulol sa kakahanap". Sabi ko.
"Woah, hindi naman halatang wala kang galit sa fiancé niya ano?". Sabi niya sabay tawa kaya natawa na lang din ako.
"By the way, besides at ayaw mo namang magkwento ay hahayaan na muna kita. Mukhang good news naman ang ihahatid mo sa'min dito kaya hihintayin ka na lang namin. Kami ng bahala sa parents niya. Basta nandito lang kami at sumusuporta sa'yo. Hmm, I got to go, mukhang uubusin na naman ng mga gago ang beers ko. Bye and enjoy!". The last thing she said saka pinatay ang call. Napailing na lamang ako at tinago ang phone sa cabinet.
At sakto namang pagtago ko ng phone ko ay siya namang pagbukas ng pinto sa banyo at lumabas na ito. The woman who owned my heart wearing only a towel.
Okay, damn it! Natuturn on na naman ako sa kanya! Aisshh! Bakit ba kasi nakaganyan lang siya?! Hoo!
End of Chapter 11
-----------------------------A/N: Sensya short UD lang
BINABASA MO ANG
You're Mine
RomanceGagawin ko ang lahat maging akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka lang basta-basta sa iba. Mahal na mahal kita. Sana matutunan mo din akong mahalin. Date Started: Year 2017 Date Ended: Year 2021