Ravel Leigh's Point of View
HINDI ko talaga akalaing aabot kami sa ganito. Dati kasi ako pa 'yung nagmumukmok sa isang tabi at hinihintay na lang na ikasal na siya. Pero ngayon ay parang bumaliktad na ang mundo, dahil ako na ang ikakasal kay Kisha.
Gusto kong ikasal na agad kami, alam kong atat ako pero ganun talaga kapag mahal mo ang pakakasalan mo. At payag naman siya sa gusto ko kaya inaayos na namin ang lahat. Halos lahat nga ay excited na para sa amin.
Ngayon ay tinitignan ko ang sarili ko sa salamin habang sinusukat ang gown. Honestly, I don't want to wear gown in our wedding day but I have no choice dahil ito ang gustong isuot ni Kisha para sa'kin. Hays, gusto ko sana e naka-suit ako then siya ay syempre naka-wedding gown.
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Oh Lord, in my whole life, I can't imagine myself na magsusuot ako ng ganitong suot.
Lumabas na ako sa fitting room para hintayin si Kisha kung sakaling hindi pa siya tapos sa pagsusukat niya.
Medyo naiilang ako dahil ang daming tumitingin sa'kin. Mabuti na lang ay kami lang ni Kisha ang costumer dito kaso ang dami namang sales lady dito.
Sa ilang minuto kong paghihintay at sa wakas ay tapos na siya sa pagsusukat. Nakakatawa lang din parehas pa kaming natulala sa isa't isa.
"You look gorgeous, hon." Wala sa sarili kong sambit.
"You too, hon. Ito ang first time na nakita kitang nagsuot ng pambabae. " Nakangiti niyang sagot.
"Come on, you're my boss that's why I'm wearing this now." Sabi ko na lamang.
Puro papuri naman ang narinig namin sa mga nagta-trabaho dito.
"Ito na ang gusto ko para sa wedding natin." Sabi naman niya. Sumang-ayon na lang din ako.
Goodbye suit, hindi ka nakatadhana para sa'kin na isuot sa kasal namin.
Next naman ay ang pagpili ng mga bulaklak. Unti na lang ay matatapos na kami sa wedding plan namin.
"Hon? Ano bang gusto mong bulaklak para sa wedding natin?" Tanong niya sa'kin.
Ang dami kasing choices at ang gaganda pa lahat.
"Pwede bang lahat na lang? Ang hirap pumili, lahat naman kasi ay magaganda." Biro kong sagot.
Nakatanggap na naman tuloy ako ng hampas sa braso.
"Sira, huwag naman lahat." Sagot niya sabay tawa.
Napaisip naman ako kung ano nga ba ang magandang bulaklak. Bakit ba kasi ang daming klase ng bulaklak sa mundong 'to?
"Hmm, how 'bout red rose and white rose?" Suggestion ko sa kaniya.
"I want them too. Pero ba't nga ba red rose and white rose?" Tanong niya.
"Red rose is symbolizes of love and white rose is for purity and everlasting love." I answered.
"Well, it's settled then. Red roses and white roses, here we go." Excited niyang sambit.
Napaisip tuloy ako. So it means, ang magiging motif namin sa kasal is white and red. Hm, not bad.
Marami pa kaming pinuntahan at inasikaso. Ganito pala kapagod ang mararamdaman pero worth it naman dahil kasal naman ang dahilan ng pagkapagod.
Parehas din naming napagpilian na wedding beach ang mangyayari, alam niyo naman na walang same sex marriage na simbahan dito sa Pilipinas.
Gusto ko sana na sa ibang bansa kami ikasal pero dahil marami ang hindi makakapunta kapag gano'n ay mas pinili na lang namin dito.
LAHAT ay naayos na namin, kasal na lang kulang. Naaatat na akong ikasal. Pero may isang bagay na bumabagabag sa akin, at 'yon ay si Eros.
Ang tagal na niyang nananahimik at walang paramdam sa'min. Kapag ganito ay nakakakaba rin dahil hindi ko alam kung ano pa ang masama niyang binabalak at kung ano pa ba ang kaya niyang gawin.
Ito rin ang isa sa mga dahilan ko kung bakit gusto ko na agad ikasal. Si Eros ang siyang pinangangambahan ko dahil baka masira ang lahat ng plano namin dito sa kasal nang dahil lang sa kaniya, at ayoko naman na mangyari 'yon.
Magkamatayan na pero hindi ko na ibabalik si Kisha sa kaniya. Ako na ang mahal ni Kisha at ako na ang pinili. Kaya naman wala na siyang karapatan na manggulo pa sa amin.
Kung sakali man na guluhin niya ang kasal namin, hindi ko na pipigilan pa ang sarili ko na gumawa ng hindi maganda sa kaniya.
I know he was my best friend but I can't show any mercy on him
End of Chapter 33
A/N: Matagal na 'to nakadraft sa'kin pero 'di ko mapost dahil medyo 'di ako satisfy sa chapter na 'to. I know napakaikli pero malapit na malapit naman na 'to matapos, kaya sana habaan niyo pa ang pasensya niyo sa'kin.
BINABASA MO ANG
You're Mine
RomanceGagawin ko ang lahat maging akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka lang basta-basta sa iba. Mahal na mahal kita. Sana matutunan mo din akong mahalin. Date Started: Year 2017 Date Ended: Year 2021