Y.M CHAPTER 21

8.7K 196 37
                                    

Ravel Leigh's Point of View

We were on our way to Manila at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Nung sinabi sa'kin ni Vivienne kanina na nasa hospital ang mga magulang ko dahil sa aksidente ay halos mabitawan ko na kanina ang cellphone sa gulat, kaba at takot na nadarama. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa napabayaan ko sila, kung hindi na lang sana ako umalis. Thanks kay Kisha at narito siya sa tabi ko. Nasigawan ko pa kanina yung secretary ko para lamang ipadala agad ang chopper kanina sa isla.

Habang nasa himpapawid kami ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magdasal para sa kaligtasan at kalagayan ng mga magulang ko. Na sana ay ayos na sila at ligtas mula sa aksidente. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mas malala pang nangyari sa kanila.

"Magiging ayos din ang lahat, Leigh. Malalagpasan din nila ito. Pakatatag lang tayo. Nandito lang ako sa tabi mo para samahan ka". Pag-aalo niya sa'kin. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya para hindi niya makita ang mukha ko.

"Thank you Kisha at narito ka lang sa tabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka. Pakiramdam ko kasalanan ko ang pag-aksidente nila". Sabi ko sa kaniya.

"Wala kang kasalanan, tandaan mo 'yan. Malakas ang mga magulang mo kaya gagaling din sila agad. Manalangin lang tayo. At papayag ba ang magulang mo na iwan ka na lang? Syempre hindi no". Pagpapalakas niya ng loob sa'kin.

Niyakap ko na lang siya at tahimik na umiiyak, mahal na mahal ko kasi sila mama kaya natatakot ako sa kung anong nangyari sa kanila. Hindi naman alam ni Vivienne kung anong klaseng aksidente ang nangyari.

Makalipas lamang ang ilang sandali ay nakapunta na rin kami sa kinaroroonan nila mama at nagtanong sa information kung saan sila naka-room. Nang malaman namin agad ay agad-agad kaming pumunta at nakita naming nakatayo roon si Vivienne, Andy at Rain. At sakto din naman ang paglabas ng doctor.

"Doc, kumusta na po ba ang lagay ng mga magulang ko ngayon?". Natatarantang tanong ko.

"May ilang parte ng katawan nila ang nabalian but both of them are in a good condition right now kaya wala ng dapat na ipag-alala. And for now, nailipat na namin sila sa private room". Paliwanag ng doctor sa amin.

"Thank you doc". Mabuti naman at ayos na ang lagay nila kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Thanks to God.

"No problem Ms. Villamonte. Tungkulin po namin yun bilang mga doctor. Maiwan ko muna kayo dito". At tuluyan na kaming iniwan dito ng mga kasama ko.

"Thanks God lang talaga at ayos lang ang kalagayan nila mama at papa". Pahayag ko habang kayakap siya. Hindi ko na naman napigilan ang pagluha dahil sa tuwa. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Andy sa balikat ko.

"Tama na ang drama bro, ang pangit mo na e". Mapang-asar na sambit ni Andy kaya napakalas naman ako ng yakap kay Kisha.

"Panira ka ng moment ano? Ikaw nga hindi pa umiuyak pangit na". Ganti kong asar sa kaniya ng ikapikon naman niya narinig ko namang tumawa si Kisha at yung dalawa ko pang kaibigan.

"Pakilala mo naman kami sa kaniya, Ravel". Sabi ni Rain.

"Ah oo nga pala. Kisha, ito sina Vivienne, Andy at Rain, mga kaibigan ko. At kayong tatlo, si Kisha, yung---".

"Yung ilang taon mo ng sinusubaybayan at kinababaliwan mo?". Singit agad ni Andy.

"Tsk. Oo Andy, siya yung taong sinusubaybayan at kinababaliwan ko ng ilang taon". Sakay ko na lang sa trip niya. Nakipag shake hands naman yung tatlo kay Kisha pero ang lokong Andy hinalikan pa yung kamay ni Kisha, tsk!

"By the way, bakit ganito ang nangyari kina mama?". Baling ko sa tatlo.

"May itim daw na kotse ang bumangga sa kanila ayon sa witness". Si Vivienne ang sumagot.

"What?! Binangga ang kotse nila mama? Bakit naman nila gagawin yun? Wala naman silang kaaway". Taka kong tanong. Napahilamos na lamang ako sa mukha ko. Hindi ko alam kung sino ang gagawa nito sa kanila.

Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan ng may biglang bumasag nito

"K-Kisha? B-babe?". Utal na tawag nito kay Kisha.

Kita kong napatingin naman si Kisha sa lalaking tumawag sa kaniya. Nang magtama ang kanilang tingin ay agad na tumakbo ang lalaki palapit kay Kisha at niyakap ito ng mahigpit. Kitang-kita ko sa mukha ni Kisha ang pagkabigla, alam kong hindi niya inaasahan na makita niya ang fiancé niya dito.

"T-Timothy". Munting pahayag ni Kisha habang nakatitig sa kanyang fiancé.

Alam ko at ramdam ko na hindi siya mapakali sa pwesto niya kaya hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad niya yun iniwas na siya namang ikinabigla ko. Nagtataka ko siyang tinignan pero hindi niya ako inabalang tignan pa dahil kay Timothy lamang siya nakatitig na ngayon ay naluluha.

"W-What are y....". Hindi na niya natapos ang kanyang nais na ipahiwatig dahil sa nilapitan na siya ni Timothy at siniil na siya ng halik na siyang ikinabigla at ikinagulat ko pero mas nagulat na lang ako dahil wala man lang siyang reaksyon. Wala man lang siyang ginawa at hinayaan lang siyang halikan nito. Alam kong nakatingin lang sa'min yung tatlo pero wala akong pake.

"God! Kisha. I missed you so much. Saan ka ba nanggaling? Alam mo bang nag-aalala ako sa'yo huh? Hinanap kita kung saan-saan pero hindi kita mahanap. Mababaliw na ako kahahanap sa'yo. Hindi na natuloy ang kasal natin dahil sa biglaang pagkawala mo. And I'm so thankful to God at nandito kana. Ayos ka lang ba babe? Sino ang kumidnap sa'yo? Just tell me". Sunod-sunod na salita ng kanyang fiancé na talagang nag-aalala.

"What are you doing here?". Ang tanging nasagot niya.

"My mom babe. Our mom! She has stage 2 cancer at hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Kailangan kita Kisha. I love you, huwag ka na ulit mawawala ah? Mababaliw talaga ako". Sagot naman nito.

"Magiging ayos din ang kalagayan ng mom mo Timothy. And don't worry, I'm already here".

Pagkatapos nilang mag-usap na dalawa ay napabaling ang tingin sakin ng kanyang fiancé na nagtataka kung bakit kami magkasama.

"Who is she Kisha?". He asked dahilan para makaramdam ako ng kaba.

I'm hoping na sana sabihin niya yung totoong namamagitan sa amin. Na huwag niya akong i-deny. Pero iba ang naging sagot niya dahilan para mawasak ang puso ko.

"She's just a friend babe. Siya din yung nagligtas sa'kin mula sa mga kumidnap sa'kin". She said habang nakayuko at tila'y hindi makatingin sa'kin.

Damn it! A friend huh?!

Nanatili lamang nakatitig sa'kin ang fiancé niya. Napangiti naman ito at lumapit sa kinaroroonan ko. Bahagya niya pang nilapit ang mukha niya sa tainga ko at sinambit ang mga katagang..........






"Kahit anong pagkidnap mo sa kaniya, ako at ako pa rin ang pipiliin ni Kisha..... My best friend Leigh". Bulong niya at humarap sa'kin ng may ngisi sa kaniyang labi.

End of Chapter 21
------------------------------

A/N: Kakaload lang ulit, hehe :)

12.28.18

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon