Kisha's Point of View
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad dito sa loob ng kwarto habang kinakagat ang hinlalaking daliri ko. Damn! Sa sobrang tindi kasi ng selos ko kanina ay kung ano-ano na lumabas sa bibig ko kanina. Hindi naman ako nagsisisi sa mga sinabi ko sa kaniya pero kasi, nahihiya ako. Basta yun, hays. Pero inis pa rin ako syempre! May ibang babae pa pala itong si Leigh sa nagdaan nitong mga taon! Kainis lang talaga.
Habang pabalik-balik ako sa paglalakad ay bigla namang bumukas ang pinto and there stand the woman na ayaw kong makita ang pagmumukha ngayon. Tsk, nakalimutan ko pa lang i-lock yung pinto.
"We need to talk hon". Mahinahon niyang sabi.
"Walang dapat pag-usapan, naiinis pa rin ako sa'yo. Sa tagal mong sunod ng sunod sa'kin ay may iba ka naman palang kinakama". Inis kong sabi sa kaniya. Narinig ko namang napabuntong hininga ito.
"Kisha, hayaan mong magpaliwanag ako. Please". Pagsusumamo niya.
Lalapitan na niya sana ako pero pinigilan ko siya. Hanggang sa maramdaman kong hinila niya ako at napasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw niyang mawala ako sa kaniya. Naririnig ko dito ang tibok ng puso niya.
"Pakinggan mo ang tibok ng puso, ikaw lamang ang tinitibok niyan. Ikaw lang ang mahal ko noon pa man. Ikaw ang first love ko Kisha kaya wala akong pake sa iba". Panimula niya habang nakayakap pa rin siya sa'kin.
"Yes, may iba akong naging babae. They're just my FuBu, hon. Nothing more, nothing less. Yes hon, marami silang naging FuBu ko pero matagal ko na yun tinapos at tinigil. But Megan, siya lang ang tanging nakaFuBu ko na hindi ako tinatantanan. Sabihin mo mang hindi ako naging loyal sa'yo pero ikaw lang talaga. Nagawa ko lang naman ang bagay na yon dahil nawawalan na ako ng pag-asa kung paano ka makukuha mula sa kaniya".
"But thanks to Vivienne, na kaibigan ko na tumulong sa'kin para maging akin ka. Siya talaga ang may pakana nitong kidnap. At first, syempre hindi ako pumayag dahil ayaw kong magalit ka at kamuhian ako. Sinasabi niya sa'kin nun na bukas ikakasal kana at yun lamang ang tanging paraan". Sabi niya at narinig ko ang pagtawa nito.
"Pinapili niya pa nga ako kung susundin ko ang suggestion niyang plano o hahayaan na lang ba kitang ikasal sa fiancé mo. Syempre yung una pinili ko kaya ka nga nandito sa tabi ko kung saan ay tayong dalawa lang ang nandidito. Patawarin mo ko kung may iba pa akong kinama pero pangako, matagal ko ng tinapos yun". Paghingi niya ng tawad sa'kin.
Napangiti na lamang ako sa mga narinig ko. Ang kanina kong inis sa kaniya ay bigla na lamang naglaho na parang bula dahil sa mga sinabi niya. Sinuklian ko naman na ang yakap niya sa'kin.
"Pinapatawad na kita, basta i-block mo na ang Megan na yun sa phone mo a". Sabi ko sa kaniya at napatawa naman ito. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko, yun talaga ang paborito niyang halikan sa'kin which I find it cute.
Maya-maya ay kumalas na siya sa yakap at tinitigan naman ako. Kinulong niya ang aking mukha mula sa kaniyang mga kamay at saka dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa'kin hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya. Parehas kaming napangiti.
"Thank you hon at pinatawad mo ako. Mahal na mahal kita". Nakangiti niyang sambit.
"Wala yun, para saan pa ba kung mahal na mahal rin naman kita?". Nakangiti ko ring sambit. Ako naman ngayon ang natawa dahil namula na naman ang mukha niya. Everytime na sinusuklian ko ang I love you niya ay namumula naman ang mukha niya.
"Damn it! Kinikilig talaga ako kapag sinasabi mong mahal mo rin ako". Sabi niya at muli na namang hinawakan ang mukha ko. She kissed me on my forehead, down to my eyes, to my nose and brushed her lips against mine while looking at me lovingly.
"I love you so much Kisha, I really do. You're mine. Only mine, always remeber that". And she kissed me again that made me smile. God! I really love this woman.
End of Chapter 19
-----------------------------A/N: Short UD. Lapit na......... :D
12.27.18
BINABASA MO ANG
You're Mine
RomanceGagawin ko ang lahat maging akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka lang basta-basta sa iba. Mahal na mahal kita. Sana matutunan mo din akong mahalin. Date Started: Year 2017 Date Ended: Year 2021