Y.M CHAPTER 14

11.9K 228 11
                                    

Warning!!!!
Alam niyo naman na po siguro kung ano ang magiging ganap sa kabanatang ito.

-----------------------------------------------------------------

Kisha's Point of View

Ngayon ay nakasuot na ako ng panligo na black two piece gaya ng gusto ni Leigh at gaya ng sinabi niya kagabi na kinabukasan na lang maliligo, ayaw ko sana itong two piece pero mapilit siya kaya wala naman na akong nagawa pa. Tapos na kaming mag-almusal kaya excited na akong maligo.

Lumabas na ako ng kwarto para hanapin si Leigh, nauna na kasi itong lumabas kanina sa kwarto namin. Yep, kwarto namin. Simula ng pinag-usapan namin ang nangyari noong college ay Leigh na ang tinatawag ko sa kaniya, na dati kong nakasanayan na itawag sa kaniya.

Tinignan ko ito sa sala, nagbabakasakaling dito niya ako hinintay but she was no where to found kaya napagdesisyunan kong lumabas na lamang ng bahay, baka nasa pool na iyon. Hindi naman ako nagkamali dahil nasa gilid na nga ito ng pool at nakaupo.

Nakatwo piece din ito ngunit pinatungan niya ito kanina ng maluwag na short dahil mas komportable daw siya do'n kaya hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Bahagya pang nakakunot ang noo nito while her hands are on her pocket. At dahil nakaside view at parang hindi pa naman niya ako napapansin ay malaya ko siyang napagmamasdan. Pinagmasdan ko lang siya ng maigi, mula sa mahahaba nitong pilik mata, matangos niyang ilong, her pinkish lips, hanggang sa dibdib niya patungo sa 6 pack abs niya na nahawakan ko pa kahapon. Hoo shems!

Sa t'wing naaalala ko yung mga ginawa namin kahapon ay hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. Damn! Ang lakas talaga ng epekto niya sa'kin. Napakabilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak na lamang ako sa dibdib ko at napapikit. Walang duda, mahal ko pala talaga siya na akala ko ay simpleng pagkagusto lang.

Napangiti na lamang ako at nilapitan na siya sa kinaroroonan niya. At nung makalapit ako sa kaniya ay saka niya pa lamang naramdaman ang presensya ko. And when our eyes met, she sweetly smiled at me at inilahad niya ang kaniyang kamay na para bang sinasabi nitong hawakan ko ang kamay siya at tumabi sa kaniya sa pag-upo kaya sinunod ko naman siya.

Nang makatabi na ako sa kaniya ay saka naman niya ako niyakap and smelling my scent again. Yan talaga lagi ang ginagawa niya sa'kin dahil ang bango ko pa rin daw kahit hindi ako masyado naglalagay ng perfume.

"Ang tagal mo naman atang nakapunta dito, nainip ako". Mahinang sabi niya habang nasa leeg ko ang mukha niya.

"Kanina pa kaya ako nandito. Hindi mo lang talaga naramdaman ang presensya ko dahil parang ang lalim ng iniisip mo na halos ikalunod ko na". Pagjo-joke ko sa kaniya. Natawa naman siya.

"Wala naman, parang panaginip pa rin kasi sa'kin ang mga kaganapang ito". Paliwanag niya.

"Gusto mo bang sampalin kita para malaman mong hindi 'to panaginip?". Nakangisi kong tanong sa kaniya.

"Aw, don't be harsh babe. Tara ligo na tayo?". Aya niya sa'kin at agad ko naman itong tinanggap.

Sabay pa kaming naglakad palapit sa pool. Pero dahil nakaisip ako ng kalokohan ay naisip kong itulak si Leigh sa pool. Nagulat pa nga ito at tuluyan ng nahulog. Tawa naman ako ng tawa dahil ang epic ng pagkakahulog niya.

Napahinto naman ako sa kakatawa ng mapansin kong hindi pa rin umaahon sa tubig si Leigh kaya dahil sa taranta ko ay tumalon na ako at lumangoy palapit sa kaniya. Inaangat ko naman siya para makasagap ng hangin ngunit nakapikit lamang ito.

"Shit, Leigh! Wake up!". Taranta kong sambit.

Hindi ko alam kung ano na ba ang gagawin ko. Pero ang loko bigla na lang ako niyakap ng mahigpit at bumulong sa tainga ko.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon