Y.M CHAPTER 7

15.8K 237 14
                                    

Kisha's Point of View

Naramdaman kong gumalaw ang sofa kaya napadilat agad ako ng mata. Hindi ko man lang namalayang nakatulog pala ako.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak pala ni Ravel. Agad ko 'tong tinanggal at umiwas ng tingin. Tsk! Medyo awkward.

"Ahm, mabuti pala at gising kana. Ah teka, luto lang ako ng makakain mo". Nakaiwas kong tingin.

Akmang tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ah, bakit?". Tanong ko.

"Ah, eh, wala naman. Salamat sa pag-aalaga mo sa'kin. Pasensya na kung naabala kita". Sagot nito sa'kin.

"No problem. Sige na at magluluto na ako". Saka binawi ang kamay ko sa kanya.

Dumiretso na ako sa kusina para maghanap ng pwedeng maluto, basta may sabaw. Mabuti pala at may ingredients dito na pang-sopas.

Ilang minutong pagluluto at nang matapos ay naglagay agad ako sa mangkok saka pumunta sa kinaroroonan ni Ravel.

"Mabuti at may pang-sopas kaya ito na ang niluto ko. Sige, kumain kana". Sabi ko sa kanya.

"Maraming salamat".

Kukunin na niya sana ang mangkok pero agad ko itong iniwas kaya nagtaka naman ito.

"Susubuan na lang kita".

Hindi na siya nag-apila pa kaya sinimulan ko ng ihipan ang nasa kutsara bago siya subuan.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Kahit isang linggong mahigit pa lang kami na nagsasama ay kahit kinamumuhian ko siya ay hindi naman siya nagsasawang pagpasensyahan ako.

Napapansin ko din na siya na lahat ang gunagawa ng mga gawaing bahay. Nagluluto ng almusal, tanghalian at hapunan. Pati na rin ang paglilinis ng bahay. Kaya siguro siya nagkasakit ng dahil dun.

Then, napansin ko ko din nung gabing nag-aaway at nagkakasagutan kami sa pool ay medyo nanginginig na ang katawan niya.

Parang bigla naman ako nakonsensya dahil sa mga iniisip ko.

Nang maubos na niya ang sopas ay tinititigan niya naman ako ng seryoso kaya medyo naiilang naman ako.

"B-bakit ka ganyan makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha?". Tanong ko sa kanya at pinunasan na agad ang mukha ko.

"Kisha gusto ko lang sana na makinig ka sa mga sasabihin ko sa'yo, okay lang ba?". She asked seriously habang matiim na nakatitig sa'kin.

"Huh? Ah sige, mukhang seryoso naman 'yang sasabihin mo". Pagpayag ko sa kanya.

"Kisha una sa lahat sorry". Panimula niya.

"Kisha, alam kong napakalaki ng naging kasalanan ko sa'yo at alam kong galit na galit ka pa rin talaga sa'kin. Hindi din naman kita masisisi kung talagang kinasusuklaman mo ako". Sabi niya sa'kin at ngumiti lamang ito ng pilit.

"I'm really sorry if I did those things to you. I'm sorry if I kidnapped you. I'm sorry for hurting you. Sorry kung pinilit kitang magpakasal sa'kin. Alam kong hindi sapat ang salitang sorry sa lahat ng ginawa kong hindi maganda sa'yo pero tanging sorry lang talaga ang kaya kong sabihin sa'yo". Pagpapatuloy niya habang ako ay nakikinig lamang sa kanya.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kanan kong kamay. Kahit na naiilang man ako sa kanya ay hinayaan ko na lang siya at napalingon ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang guilt.

"Alam ko Kisha na napakaimposibleng mapatawad mo ang isang katulad kong gago at alam kong napakawalang hiya ko na dahil hihingi pa ako ng pabor sa'yo. Pero ito lamang ang alam kong paraan para iparamdam ko sa'yo kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko sa'yo. Kung gaano nga ba talaga kita kamahal". She said and I can feel the sincerity in her voice.

Sa dinami-rami ng sinabi niya ay nanatili pa rin akong tahimik. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya kaya naghihintay na lang ako sa susunod niya pang sasabihin.

Naramdaman siguro niyang wala akong masabi kaya napahinga na lang siya ng malalim bago pa niya ipagpatuloy ang anumang nais niyang sabihin sa'kin.

"Ahm, can we stay here in this island for just 2 months?". She asked at nakita ko sa mukha niya ang pagmamakaawa.

"Huh? 2 months? Parang napakatagal naman ng hinihingi mo?". Sabi ko at napaiwas na lang ako ng tingin.

"Please, just 2 months. Hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng chance?". She asked.

Kitang-kita ko sa mukha nito ang lungkot. Bibigyan ko ba siya ng chance?

"Ravel, bakit ba gusto mo pa akong makasama ng dalawang buwan dito?". I asked.

"Because I wanted you to know of what I feel for you. I wanted you to feel how much I love you. Hayaan mong may mapatunayan ako sa'yo. Na kahit isang hamak na babae lang ako, kaya kitang pasayahin. Na kahit babae lang ako, kaya kitang protektahan. Dalawang buwan lang Kisha. But don't worry, kapag lumipas na ang dalawang buwan na hinihingi ko at wala ka pa ring nararamdaman na kahit ano sa'kin, promise papalayain na kita ng tuluyan. Kayang-kaya ko mapawalang bisa ang kasal natin, kaya ko yun bawiin. At yung nacancel niyong wedding ni Timothy, pwedeng-pwede niyo na yun matupad. Hindi na rin kita guguluhin pa kahit kailan". She said and she cupped my face.

Sa mahabang pagpapaliwanag niya sa'kin, marami akong nakikitang emosyon sa kanyang mukha, pero iisa lang ang nangingibabaw na nakikita ko sa kanya..... Ang pagmamahal.

She's looking at me as if she really loves me. Hindi ko man alam pero bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa klase ng tingin niya sa'kin.

Sa hindi ko man lang malaman na dahilan ay napatango na lang ako na nagpapahiwatig na pumapayag na ako sa plano niya.

"T-talaga?". Paninigurado niya pa na parang hindu talaga siya makapaniwala at bakas na bakas sa mukha niya ang labis na saya dahil sa simpleng pagtango ko lang sa kanya.

"Oo, pumapayag na ako sa dalawang buwan na magsasama tayo dito Ravel. At kung hindi mo pa rin ako napaibig ay papakawalan mo na ako ng tuluyan at hindi mo na ako o kami gagambalahin pa. Maliwanag?". I answered her with a serious face at tumango-tango naman ito habang nakangiti pa rin sakin.

"Maraming salamat talaga sa'yo Kisha. Promise, hinding-hindi ko babaliin ang pangako ko". Masayang-masaya niyang sabi sa'kin.

"Dapat lang na hindi mo baliin yun!". Sigaw ko sa kanya.

"Huwag mo nga akong sigawan Kisha. Tutupad naman eh". Sagot niya sakin.

"Syempre naninigurado lang".

"But one more thing Kisha, hehehe".

"Aba! Umaabuso kana ah. Iisa ka pa talaga. Hindi pa nga talaga tayo totally okay". I told her at inirapan ko siya pero ang tarantado, tinawanan lang ako.

"Promise Kisha. Last na 'to". She said ng natatawa-tawa pa rin.

"Okay okay fine. Spill it". Nababagot kong sagot.

"Habang nandito tayo, please Kisha. Huwag mo muna pansinin ang kasarian nating dalawa at hayaan muna natin na mag-enjoy dito sa isla, ang gaganda kaya ng view dito then hindi mo man lang maeenjoy?". She said with a sweet smile on her lips kaya napangiti na rin ako.

Siguro ito nga ang dapat kong gawin. 2 months lang naman, and I'm really sure that after 2 months ay si Timothy pa rin ang pipiliin ko at kapag nakauwi na ako ay hindi na ako guguluhin pang muli ni Ravel. Thinking those things are makes me feel excited. I can't help but to smile while thinking of the handsome face of Timothy pero ng mapatingin ako kay Ravel ay bigla na namang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Good heavens! Naguguluhan na talaga ako sa puso ko. Bakit ba kasi ganito 'to? Alam ko namang kay Timothy pa rin bagsak ko ah? Bakit sa tuwing titingin ako sa kanya ganito ang puso ko? Jusko! Huwag naman sana.

End of Chapter 7
---------------------------

A/N: Sorry po sa tagal na walang UD. Ito na po pala. Achievement! Walang spg hahahha.

Btw, kung gusto niyo po ng bxb stories search niyo po si "Lord_Iris". Ang gaganda po ng mga stories niya. Marami rin kayo matututunan sa bawat libro niya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon