Y.M. CHAPTER 26

5.8K 145 16
                                    

Ravel Leigh's Point of View

Nandito ako ngayon sa company ko. To check some details dahil sa tagal ko ding nawala dito sa company. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ko na lamang ang pinaghirapan ko.

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho when someone knock at the door.

"Come in". Sabi ko habang nakatutok pa rin sa aking ginagawa.

Naramdaman ko ang pagpasok nito kaya umangat na ako ng tingin. Ang sekretarya ko lang pala.

"Why?". I asked.

"Ma'am, I just want to ask if do you want some coffee?". Tanong ng secretary ko but in a seductive way and she walks sexily towards me.

Ewan ko ba, basta lagi kong napapansin sa secretary ko na para bang nang-aakit ang tono nito at kung magsuot ay halos kita na ang kaluluwa.

Wala lang naman sakin yung mga ginagawa niya and there's no reason to fire her and besides she's really good at her work. Natatawa na lang din ako when everytime she does that.

"Ok, give me some. Thanks for asking". Sagot ko sabay ngiti na lang sa kaniya.

"No problem, ma'am". Sabi niya sakin at naglakad ito palabas.

Pinanuod ko na lamang siya hanggang sa makalabas siya ng office ko. And then I continue my work.

She's pretty, responsible, and an independent woman. Kung wala lang akong hinihintay, siguro ay magugustuhan ko na siya. Pero wala e, ayoko mag entertain ng iba habang di pa ako nakaka move on sa isa.

Pero iba na ngayon dahil nasa tabi ko na ang mahal ko, si Kisha. I've waited for too long just to be with her. And now she's here at hindi ko na siya papakawalan pa.

I waited for minutes before my secretary came back together with my coffee.

"Sorry for waiting Ma'am but here's your coffee". Sabi niya at nilapag ang kape malapit sakin.

"Thank you, Esmeralda. You can go back now". I answered.

I sipped in my coffee before I continue my work. Ang sakit sa ulo ng mga naiwan kong files kaya ayaw ko talagang nagtatambak ng trabaho, nakaka-stress lang nako.

While I'm in the middle of work ay bigla na lang nag ring ang phone ko. Naiinis na kinuha ko ang phone sa side ko, I don't want to be disturbed while I'm in work, tsk.

Ang kaninang nakabusangot kong mukha ay bigla na lang nawala na parang bula dahil importanteng tao naman pala ang tumatawag sakin.

My wife.......

"Hon". I started pero iba pala ang kausap ko.

"Ravel, pumunta sa E***** hospital. Nandito kami ngayon dahil sinugod namin si Kisha. Nahimatay kanina". Sabi sa kabilang linya na siyang nakapag pataranta sakin. Ang mom pala niya ang tumawag sakin.

"Po?! Sige po, pupunta na po ako dyan". Sagot ko at agad kong pinatay ang call.

Wala na akong pakealam kung magulo ang office ko at di ako ganun kaayos, basta importante sakin ngayon ay si Kisha na nasa hospital ngayon.

"Saan po kayo pupunta, ma'am?". Tanong ng sekretarya ko.

"At the hospital. I have to go". Maikli kong sagot. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya at agad na umalis sa office ko.

Dire-diretso lang ang naging lakad ko sa parking lot papunta sa pwesto ng kotse ko.

Saktong pagliko ko papunta sa kotse ko ay sinalubong ako ng hampas gamit ang bakal. Hindi ko na nagawa pang umilag sa ginawa nito kaya dumiretso ito sa ulo ko dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.

"Arrgghh!". Daing ko sa sobrang sakit habang nanginginig pa ang kamay ko sa paghawak sa ulo ko.

Hindi ko na nagawa pang idilat ang mga mata ko. Naririnig ko ang mga tawanan nila, mukhang dalawa pa sila.

Wala akong matandaan na inagrabyado ko para ganituhin nila ako.

"Ang dali lang pala ng pinapagawa ni boss e". Narinig kong sabi ng isa.

Sino ang boss nila?

May sinabi pa yung isa ngunit di ko naintindihan pa dahil sa bigat na ng nararamdaman ko. Patuloy ang pagbigat ng talukap ng mata ko, basta hindi ko na alam ang susunod na nangyari. Basta isa lang ng nasa isip ko.

Si Kisha...

Third person's Point of View

Nakatayo lang ako sa harap ng bintana at pinagmamasdan ang kagandahan ng buong paligid habang patuloy lang sa paghithit ng sigarilyo.

Katatapos ko lang sa pagdadrama. Natatawa na lamang dahil sa ginawang pag-arte. Planado ko na ang lahat ng paghihiganti ko, siya na lang ang kulang.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng mga scenario ng bigla kong marinig ang pag-ring ng phone ko. Ine-expect kong good news ang ilalahad nilang impormasyon sakin, dahil kung hindi ay yari talaga sila sa akin.

"Boss, nagawa na po namin ang pinapagawa niyo". Sabi ng tauhan ko sa kabilang linya. Bingo! Tama nga ako ng aking hinala.

"Napakagandang balita. Alam niyo na kung saan yan dadalhin at kung ano ang gagawin sa babaeng yan". Sagot ko.

"Masusunod po, boss". Sabi niya.

"Malaki ang makukuha ninyong pera sakin dahil sa pinaka niyong performance". Papuri ko.

"Maraming salamat po, boss". Sagot niya.

Pinatay ko na ang tawag. At muling humithit sa sigarilyo habang nakatingin na naman mula sa bintana at hindi ko napigilang tumawa ng malakas dahil nagsisimula na akong magtagumpay sa mga plano ko.

End of Chapter 26
------------------------------

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon