Y.M CHAPTER 9

12.2K 182 6
                                    

Ravel's Point of View

"Ravel, kwento ka naman". Sabi ni Kisha. Kasalukuyan kasi kaming nagluluto ng barbeque.

"Tungkol saan ba ang gusto mo?". Tanong ko.

"Kung paano mo ako nakilala?". Alanganin niyang sagot. Napangiti na lang ako.

"Hm, paano ko nga ba sisimulan?".

"Basta, kahit ano lang".

"Sige". Banggit ko na lang.

4th year college na ako at malapit na ay makakagraduate na rin ako pero heto pa rin ako at hanggang sulyap pa rin kay Kisha. Paano ba naman ako makakalapit sa kaniya kung isang hamak na nerd lang ako samantalang siya ay mala-diyosa sa kagandahan, tila'y anghel sa kabaitan, at marami laging nakapalibot sa kaniya kaya talagang walang pagkakataon. Si Kisha ay 3rd year college naman kaya malulungkot ako dahil hindi ko na siya masusulyapan kapag ng 4th year na siya.

"Pst! Leigh, nakalukot na naman ata 'yang mukha mo? Ano na naman dinadala mong problema?". Tanong ng kaibigan kong si Eros.

"Ano pa nga ba, syempre si Kisha lang naman". Sagot ko.

"Awsus naman pre. Gusto mo bang tulungan kita?". Tanong niya.

"At ano naman ang itutulong mo Eros?". Tanong ko pabalik.

"Kakaibiganin ko siya. Then kapag nangyari yun saka naman kita ipapakilala na kaibigan kita". Sagot niya.

"Parang ang dali namang makipag kaibigan sa kaniya at ganiyan pa ang suggestion mo". Nakasimangot kong saad.

"Wala ka bang tiwala kay Eros-the-great? Syempre madali lang 'yan para sa'kin. Wala naman nakakatanggi sa kakulitan ko e". Sabi niya sabay tawa.

"Sige ikaw na. Pero tandaan mo, akin lang si Kisha". Seryoso kong sambit.

"Woah, pre naman. Iyong-iyo na si Kisha mo kaya chilax ka lang diyan". Natatawa niyang sambit.

"Mas mabuti na ang sigurado ano". Sagot ko.

Ganun nga ang nangyari kinaibigan niya si Kisha. Nagtagumpay rin naman siya pero nagtagal din ang pakikipag feeling close ni Eros bago siya ituring nitong kaibigan ni Kisha.

Si Eros din ang pasimpleng naglalagay sa locker ni Kisha dahil lagi naman siyang umuuwi ng late at halos wala na yun tao. Basketball player kasi si Eros kaya todo practice din naman ang ginagawa niya. Lagi kong pinapalagay sa kaniya ay bulalaklak kasama ang note syempre, chocolate with note din, teddy bear with note at kung ano-ano pa.

Hanggang sa dumating na ang panahon na ipapakilala na ako ni Eros kay Kisha. Inabot din ng tatlong buwan bago mangyari itong inaasam ko.

"Ah, Kisha. Kaibigan ko nga pala, si Leigh. And Leigh, si Kisha nga pala". Pagpapakilala ni Eros sa amin.

Ang laki ng ngiti na ibinigay ko sa aking kaibigan dahil hindi niya ako binigo.

"Nice to meet you, Kisha". Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Nice to meet you too, Leigh". Nakangiti niya ring sabi at nagshake hands kami. Shocks! Ang lambot ng kamay niya, parang ayaw ko ng bitawan.

"Ah Leigh, hindi ka pa ba nangangawit sa paghawak sa kamay ni Kisha?". Pambabasag ni Eros sa pagde-daydream ko. Agad ko namang binitawan ang kamay ni Kisha at nagsorry sa kaniya. Okay lang naman daw sa kaniya.

Naging masaya naman ako nung unang linggo ang lumipas ngunit hindi rin naman iyon nagtagal dahil nararamdaman kong unti-unti ng lumalayo ang loob ng kaibigan kong si Eros. Everytime na sinasabihan ko siyang gusto kong makita si Kisha ay marami siya dinadahilan. Siya pa rin naman ang naglalagay ng mga binibigay ko sa locker ni Kisha pero parang may mali na.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon