Y.M CHAPTER 5

11.8K 222 18
                                    

Ravel's Point of View

Tapos na ang kasalang naganap kanina. Iba talaga kapag marami kang pera at isa kang maimpluwensyang tao. Madali na lang gumawa ng paraan basta nadadaan lahat sa pera.

Alam kong kinakamuhian niya ako dahil sinabi niya yun kaninang umaga sa'kin.

Masakit pero kailangan kong magtiis, kailangan ko ding habaan ang pasensya ko sa inaasal niya sa'kin dahil alam kong kasalanan ko kung bakit siya ganyan sa'kin.

Mahal ko lang naman siya kaya ko 'to ginagawa. Iba talaga nagagawa ng mga tao kapag umiibig.

Tapos na akong magluto ng hapunan kaya kailangan ko na siyang puntahan para masabihan nang kumain.

Hinayaan ko lang kasi muna siya kanina sa pool na mapag-isa dahil alam kong kailangan niya 'yon, sapat naman na siguro ang oras na binigay ko sa kanya.

Nanguha muna ako ng stick ng sigarilyo at sinindihan ito saka pumunta sa pool.

Nakita kong nakaupo ito sa gilid ng pool ng nakatulala habang nakalublob sa tubig ang dalawa nitong paa. Lumapit ako sa kinaroroonan niya para matabihan ko siya.

"Hindi mo pa rin ba tanggap?". Tanong ko ko sa kanya ngunit nanatili lamang itong tahimik habang nakatingin sa tubig.

Hays, alam ko naman na kasi ang sagot tinanong ko pa.

Napahithit na lang ako ng sigarilyo dahil parang sarili ko lamg naman ang kinakausap ko.

"Naninigarilyo ka pala?". Bigla niyang tanong.

"Hm, yeah. Paminsan-minsan lang naman". Sagot ko sabay hithit ulit.

Hindi na ulit ito nagsalita pa pagkatapos kong sagutin ang tanong nito. Tahimik na mga ang buomg paligid, tahimik pa kaming dalawa. Ano pa nga bang magagawa ko kung talagang ganyan pakikitungo nito sa'kin.

Napatitig na lang ako sa maamo nitong mukha, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at sa labi nitong kay sarap halikan. Napalunok na lang ako nang mapadako ang tingin ko sa labi niya.

Hinawakan ko ang baba niya at dahan-dahang pinaharap sa'kin. Nakikita ko sa maamo nitong mukha ang pagtataka.

"W-What are doing?". Nauutal niyang tanong. Magkalapit lang kasi ang mukha namin na sa isang maling galaw ay tiyak na magkakadikit ang aming labi. Marahan kong hinawakan ang kanyang mapupulang labi.

"I want to taste your lips again". Yun lang ang sinabi ko saka inangkin ang kanyang labi.

Hinawakan ko ang kanyang bewang para ipalapit ng husto ang katawan niya sa'kin. Hindi ko naman maiwasang mapaungol sa sensasyong namamagitan sa'ming dalawa.

Marahan kong hinawakan ang kanyang buhok para mas lumalim pa ang halik at mas naging mapaghanap ang halik na ginagawa ko sa kanya.

Tumutugon na rin siya sa bawat halik na binibigay ko sa kanya. Naglalaro ang dila naming dalawa na nakakapagdagdag lalo ng init sa pagitan namin.

Hindi ko na mapigilang hawakan ang kanyang hita at marahang pinisil dahil para mapasinghap ito.

Lalo na lamang siyang napaungol ng magtungo na ang kamay ko sa pagkababae niya at napahigpit ang kapit niya sa braso ko.

Bigla na lamang akong napangiti sa kadahilanang kahit ayaw niya sa'kin, kahit kinamumuhian niya ako ay nagugustuhan niya pa rin ang ginagawa ko sa kanya.

Nag-eenjoy na ako sa ginagawa namin nang bigla na niya lamang akong tinulak palayo. Ang kaso ay hawak-hawak ko siya kaya ang ending, kaming dalawa ang nahulog sa pool. Geez! Ang lamig. Natauhan ata siya sa ginagawa namin, tsk.

"Bakit mo ako tinulak?!". Inis kong tanong.

"Ano naman kung tinulak kita?! Ikaw lang naman 'tong nananamantala sa'kin and don't worry nahulog na rin naman ako". Inis ding sagot nito sa'kin.

"Anong nananamantala ako? Eh nag-eenjoy ka nga rin sa ginagawa natin kanina". Mapang-asar kong sabi sa kanya.

"Damn you. Shut up!". Napipikon na niyang saad.

"Okay, okay. I'll zip my mouth. But you look so cute when you're blushing". Nakangisi kong sabi.

"Me? Blushing? Dream on! Bakit naman ako magba-blush? Nang dahil sa'yo? Hindi porket tumugon ako sa halik natin kanina ay nagustuhan ko na yun. Baka nakakalimutan mong pareho tayong babae at hindi kita gusto. Na kahit kasal na tayo ay hindi ako magiging iyo". She said while directly looking into my eyes.

Bigla na lamang nawala ang ngisi sa aking labi at napaseryoso na lang ako.

Tsk! Sinabi ko lang naman na ang cute niyang magblush kung ano-ano nang lumabas sa bibig niya. Sabagay, kinamumuhian nga pala niya ako. Bakit ko ba kasi yun nakalimutan?

Pero hindi dapat ako panghinaan ng loob ng dahil lang sa sinabi niya. Ngayon pa bang kasal na kami at akin na siya ay susuko pa ba ako? Tsk, nah.

"I'm the type of person na hindi basta-basta sumusuko Kisha at kapag gusto kong makuha, makukuha ko yun sa kahit anong paraan pa. Tulad na lang ikaw, Gustong-gusto kita kaya ko 'to ginagawa. Sisiguraduhin ko sa'yo na marerealize mong nahuhulog kana pala sa'kin at marerealize mong hindi mo na pala kayang mabuhay ng wala ako". Mataas na kumpyansa ko sa sarili ng sabihin ko yan sa kanya.

Narinig kong tumawa ito dahil malamang sa malamang ay sa sinabi ko. Sabagay, kahit sino naman sigurong makarinig ng sasabihin ko ay baka masabihan pa akong mahangin.

"Hahaha! Pinapatawa mo naman ata ako Ravel. Well, sorry pero sasabihin ko na 'to sa'yo ngayon pa lang. Kahit na anong mangyari ay hindi ako mahuhulog sa isang demonyo na tulad mo. Ganun na lang ba talaga Ravel? Kapag ginusto mo na lang ay mawawalan ka ng pakialam sa paligid at sa mararamdaman ng iba? Nakuha mo nga ang kagustuhan mo, masaya ba ang nasa paligid mo? Masaya ba ako? Laruan ba ako para maging ganyan ka kadesperadang makuha ako?!". Galit na galit niyang sabi sa'kin.

I can see the pain and anger into her eyes kaya napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya pero hindi naman niya alam ang nararamdaman ko. Hindi niya alam ang buong katotohanan.

"You don't know anything Kisha kaya 'wag na 'wag mo akong huhusgahan. Wala kang alam Kisha, wala. Manahimik ka na lang at pakisamahan mo ang demonyong ito". Sabay turo sa sarili ko.

"Kahit ano pa ang gawin mo, kahit ano pa ang sabihin mo sa'kin ay hinding-hindi na magbabago na kasal kana sa'kin at akin ka na. Nakukuha mo ba yon Kisha?". Sabi ko sa kanya saka ko siya tinalikuran para makaahon na sa pool.

Hindi talaga dapat ako nagbabad sa pool lalong-lalo na 'pag gabi dahil hindi naman sanay ang katawan ko sa malamig.

Maglalakad na sana ako palayo sa kanya nang bigla siyang magsalita.

"Oo nga at wala akong alam. Paano kita maiintindihan kung hindi mo naman pinapaintindi ang sarili mo sa'kin? Oo, galit ako sa'yo. Oo, kinamumuhian kita pero handa naman akong makinig sa mga sasabihin mo kung bakit mo 'to ginagawa. Gusto kong malaman ang side mo para malaman ang dahilan mo at para hindi kita hinuhusgahan ng ganito". Sabi niya sa'kin habang umiiyak.

Nakatalikod lang ako sa kanya. Ayoko siyang tignan. Ayoko siya nakikitang umiiyak. Nakakagago lang talaga dahil ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak ng ganyan. Ang dami ko ng kasalanang ginawa sa kanya.

"Umahon kana dyan at dumiretso ka sa kwarto mo para makapag shower kana pagkatapos ay bumaba ka para makakain na tayo hapunan. Pasensya kana kung umabot tayo sa ganitong usapan. Ang plano ko lang naman talaga ay puntahan ka dito para lang sana ayain ka ng kumain ng hapunan". Yun na lamang ang sinabi ko at tuluyan ng naglakad papasok ng bahay at dumiretso na sa kwarto para na rin makapag shower.

Hindi ko sinagot ang huli niyang sinabi kanina dahil ayoko pang sabihin ang side ko sa kanya. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat at kung bakit ko ba 'to ginagawa sa kanya dahil alam kong kapag nalaman niya ay masasaktan lang siya.

-----------------------------------------------------------------

A/N: Short UD ulit. Kanina pa dapat 'to nakapublish pero hindi ko alam kung ang cp ba nagloloko o wattpad kanina. Nagtype na naman ulit ako at ngayon ay inabot na tuloy ako ng 3am.

Enjoy reading and good night everyone, muwah.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon