Y.M CHAPTER 25

10.7K 202 37
                                    

Kisha's Point of View

Hanggang sa makauwi ulit ako ng bahay ay tila tulala pa rin ako at lutang, tumigil na rin ako sa pag-iyak.

Nung kaninang pag-alis ko sa condo ni Timothy ay gustong-gusto ko siyang balikan. I wanted to hug him and say sorry for what I did pero mas pinili ko na lanv na huwag yon gawin. Dahil kung gagawin ko man yon ay lolokohin ko lang siya pati na rin ang sarili.

Ayoko talaga nakakakita ng umiiyak. Lalong lalo na si Timothy. Alam kong napakadalang lang niyang umiyak pero once na umiyak siya ay matindi talaga, kaya ginawa ko din noon ang lahat para lang maging masaya siya kahit na hindi ko alam kung papaano iyon gagawin.

Oo, mahal ko si Leigh pero hindi ibig sabihin nun ay mawawalan na ako ng pakealam kay Timothy. He will always have a special place in my heart and no one or nothing could ever change that, kaya naman ng makita ko ang pag-iyak niya sa harap ko at kung gaano siya nagmakaawa na huwag ko siya hiwalayan at iwan ay sobra-sobra ang sakit na naramdaman ko. Kung may paraan lang para hindi ko siya masaktan, malamang ginawa ko na. Kaso wala eh, masasaktan at masasaktan ko talaga siya. Dapat lang naman sabihin ko ang totoo. Masaktan man siya atlis hindi ko siya niloloko. Mas okay na rin na malaman niya ng maaga kaysa patagalin ko pa. Alam kong may iba pang makapagpapasaya sa kanya, hindi lang naman ako. Makakamove on din siya at makakahanap ng ibang babaeng mas mamahalin niya at mahal din siya.

Nang makasalubong ko sina mom and dad ay agad akong lumapit sa kanila at yumakap. At hindi ko na naman napigilan ang mga luha kong pumatak muli kaya naramdaman ko ang pagkataranta nila mom.

"Sweetheart, bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Hindi ba kayo nagkaintindihan ni Ravel?". Nag-aalalang tanong ni mom.

"Damn! Where's that woman Kisha?! Bakit ka niya pinaiyak?! Papuntahin mo siya dito ngayon din anak". Galit na usal ni dad.

Hindi ko alam kung ipapagpatuloy ko pa ang iyak ko o itatawa na lang. Si dad talaga, ang advance ng iniisip.

"No dad. Hindi naman po dahil sa kanya. And mom, ayos lang po kami ni Leigh". Naiiyak ko pa ring sambit sa kanila.

"So what's the problem sweetheart? Sabihin mo sa amin ng dad mo. Nandito lang naman kami para sa'yo, right?". Sabi ni mom at tumango naman ako.

"Kasi mom, dad. Nag-usap kami kanina ni Timothy sa condo niya. Pinuntahan ko siya. And.... And I break up with him". Mahina kong sabi sa huli at naluha na naman ako.

"You made a right choice sweetheart. Atlis hindi mo na siya pinapaasa pa". Dad said.

"But dad, I hurt him so much. Mahal ko siya pero hindi na pwede. Kahit na alam niya na daw na may relasyon talaga kami ni Leigh ay ayaw niyang mawala ako sa kanya. Nagmakaawa siya sa'kin na huwag ko siya iiwan. Pero iniwan ko pa rin siyang luhaan at wasak. Nasaktan ko siya ng sobra dad". Sabi ko sa kanila habang umiiyak.

"Mas masasaktan naman siya anak kung pinatagal mo pa yan di ba? Kaya tama lang ang ginawa mo na sinabi mo ang katotoohanan sa kanya ng maaga". Sagot ni dad.

Tama si dad. Tama lang ang naging desisyon kong hiwalayan siya. Alam kong masakit iyon para sa kanya pero ayoko ng lokohin pa siya, pati na rin sa sarili ko dahil sa una't sapul ay si Leigh lang naman talaga ang mahal ko. Kaya ginawa ko lang ang tama para sa aming dalawa.

"Thank you sa inyo dad atlis ngayon gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko. I love you both mom and dad". Niyakap ko sila at tumahan na din ako sa pag-iyak. Shemay ang drama ko.

"I love you too sweetheart". They said. Nagtawanan na din kami dahil bihira lang talaga kami maging sweet sa isa't isa kaya medyo awkward lang.

"By the way anak, kumusta na ba kayong dalawa ni Ravel?". Mom asked.

"We're totally good mom. Busy nga siya ngayon sa company niya at tinutulungan niya din tayo sa pagma-manage ng ating kumpanya". Sabi ko sa kanila.

"Ginawa niya talaga iyon anak para sa atin? Aba't napakabait na bata pala talaga iyong si Ravel eh". Mom said.

"Kahit ginawa niya yung pagtulong niya sa atin sa kumpanya ay hindi ko pa rin siya pinagkakatiwalaan ng buo". Dad said.

"Why hon?". Mom asked

"Baka saktan na naman niya ulit ang anak natin hon". Dad said

"I doubt that na gagawin ulit yun ni Ravel". Mom said.

"Eh sa nagawa niyang kidnapin ang anak natin at sinaktan pa niya ang anak natin". Dad said. Mag-aaway pa ata si mom and dad ah, hays kaya nagsalita na agad ako

"Dad, I know at nag-aalala kayo sa'kin. And trust me dad, hindi na muli ako sasaktan ni Leigh. Inaalagaan niya ako at pinaparamdam niya sa'kin kung gaano niya ako kamahal". I said. Napangiti naman si dad at sumenyas na umupo sa tabi niya kaya naman sumunod ako.

"Mahal mo talaga ang babaeng yun ano?". My dad asked kaya napangiti naman ako.

"Of course dad. Hindi naman po nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Mas naging masaya ako ng nakasama ko siya. Siya lang pala ang bubuo sa pagkatao ko". Nakangiti kong sagot.

"Basta kapag sinaktan ka muli ng babaeng yun, sabihin mo lang sa'kin ha. Huwag mong ilihim sa'min ng mom mo yun. Kapag ginawa niya ulit yun sa'yo. I swear, ilalayo na talaga kita sa kaniya". Sabi ni dad.

Ewan ko ba, imbis na matakot o kabahan ako sa sinabi ni dad ay natawa lang ako kaya narinig ko rin na natawa sila mom and dad.

"Mom, dad, pahinga lang po muna ako ha. Makikipag date din po ako mamaya kay Leigh". Paalam ko sabay ngiti.

"Aba namiss mo naman agad si Leigh mo. O siya, umakyat kana sa kwarto mo at alam naming excited ka". Pang-aasar nila sa'kin.

I kissed them on their cheeks first bago ako pumunta sa kwarto ko.

Palapit pa lang sana ako sa hagdan ng bigla ko na lamamg naramdaman ang sarili kong bumagsak. Basta ang alam ko lang ay masakit ang ulo ko, tila'y nahihilo.

End of Chapter 25
------------------------------

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon