Y.M CHAPTER 29

2.6K 90 0
                                    

Kisha's Point of View

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Leigh. Masyado na talaga akong nag-aalala para sa kalagayan niya. Hindi natin alam kung okay pa ba siya o may ginawa ng masama ang kumuha sa kaniya.

Patuloy pa rin siya hinahanap ng mga kaibigan niya hanggang ngayon. I know bawal ako ma-stress dahil may baby sa sinapupunan ko pero si Leigh, hindi talaga ako mapapakali hangga't hindi pa siya nahahanap.

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Actually, halos kakauwi lang namin dito galing hospital.

Kasalukuyan akong nasa garden, dito daw muna ako tumambay para kahit daw papaano ay ma-relax ko ang sarili. 

"Ma'am Kisha, may dapat po kayong makita sa loob!" Tarantang sabi ni Manang na siyang kinagulat ko.

"What do you mean? Ano ba yon?" I asked at tumayo na sa aking kinauupuan.

"Si Ma'am Ravel po, nandito na siya". Sagot nito sakin.

Wala na ako sinayang pang mga oras at minadali ang aking kilos para makita si Leigh. Thanks God, she's here.

Pagkapasok ko ng bahay, ang kaninang excitement na naramdaman ko ay bigla na lamang naglaho dahil si Leigh ay nakahiga na sa sahig. Tumakbo ako palapit sa kaniya at pinahiga sa lap ko.

"Mom!!! Leigh is here!!!" Wala as sarili kong sigaw.

"Anong nangyari sa'yo, Leigh? At sino gumawa nito sa'yo? Nangingitim na ang sugat mo sa ulo. Kailangan ka na namin ipunta sa hospital." Natataranta ko pang sambit.

Nakita ko naman ang marahan niyang pagtango at tila may iniinda pa ito na kung ano.

Tinulungan ako ng mga kasama ko sa bahay para buhatin si Leigh. Lahat ay nagmamadali, lalong lalo na ako.

Mabilis na ang naging biyahe namin. Kasama ko ang driver at si mom dito sa loob ng kotse ngunit si Leigh ay para bang hindi niya naco-control ang sarili.

"Ahhh Kisha, p-lease". Nahihirapan niyang sambit.

"Malapit na tayo Leigh, just hold on". Sagot ko na lamang sa kaniya at tanging ungol na lang ang sagot sa kaniya nito.

Pero naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at marahan niyo itong hinahalikan. Nabigla ako sa ginawa niya ngunit di ko masyadong pinahalata. Nabigla dahil hindi naman siya ganito lalong lalo na sa harap ni mom at dad.

"Leigh, ano ba ang ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya kasi talagang nakakapanibago ang kilos niya.

"May ininject sila sa akin kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon. I want to feel you, please Kisha." Nahihirapan niyang paliwanag na ikinabigla ko at ganun na rin si mom.

"Bakit ginawa nila yon sa kaniya?" Tanong ko sa aking sarili.

"We can't do that here at kailangan mo ng maipagamot agad dahil sa tama mo sa ulo." Pag-aalo ko na lamang sa kaniya.

Mukha namang naintindihan niya ang sinasabi ko dahil pinikit niya ang mga mata niya na tila nagpipigil sa nararamdaman niyang sa katawan.

Huminto na ang kotseng sinasakyan namin at agad na may nag-asikasong nurse at doctor sa amin, lalong lalo na kay Leigh. Nang malagay nila siya sa isang silid ay may chinecheck sila sa kaniya lalo na sa bandang tama niya sa ulo. Nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya sa antok dahil sa itinurok sa kaniya. Just rest baby.

Kasalukuyan ng nagpapahinga si Leigh at katatapos lang din gamutin ang kaniyang sugat sa ulo pati na rin ang init na nararamdaman niya kanina ay inasikaso na rin nila.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon