Y.M CHAPTER 24

8K 168 11
                                    

Kisha's Point of View

Napahinga na lamang ako ng malalim. Nandito na ako ngayon sa tapat ng condo ni Timothy.

Nakakaramdam man ng kaba pero wala ng atrasan pa. Ayaw ko man siyang masaktan pero kailangan ko itong gawin, ayaw ko na siyang paasahin pa. Ayoko ng magsinungaling pa sa kaniya.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pinto ni Timothy.

*Tok! Tok! Tok!*

Ilang segundo rin akong naghintay sa harap ng pinto bago niya ito binuksan. Naka t-shirt at boxer short lang siya. Ang lapad ng kanyang ngiti marahil dahil sa pagkakakita sa'kin. Kaagad niya ako pinapasok sa kanyang condo at niyakap ako ng mahigpit tanda ng sobra niyang pagkakamiss sa'kin, niyakap ko na rin siya pabalik.

"I miss you so much babe. Mabuti naman at napadalaw ka dito. Damn! Namiss talaga kita. I'm sorry babe, medyo busy kaya 'di kita mapuntahan". Sabi niya saka lumayo sa pagkakayakap. Akmang hahalikan na niya ako ngunit iniwas ko ang mukha ko. Ayoko man siyang saktan pero ayoko ng umasa pa siya.

"W-what's wrong babe? May problema ba tayo?". Tanong niya sa'kin. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka.

"We need to talk Timothy. Importante din ito". I said while looking straight into his eyes.

"Ano naman yun? Mukha ngang importante dahil nagawa mo pang umiwas sa halik ko". Naging seryoso na ang mukha niya. Kinakabahan man pero kailangan ko na 'tong sabihin.

"We need to end this Timothy, I'm sor sorry". Pikit mata kong pagsabi sa kanya.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Ngunit ilang segundo lamang ay binuksan ko na ang akin mata. Masakit sa damdamin ko na nakikita siyang lumuluha ngayon. Nakakaramdam ako ng konsensya dahil labis labis ko siyang nasasaktan ngayon.

Alam kong mahal na mahal niya ako, kaya niya nga ako pakakasalan. Pero masisisi niyo ba ang puso ko kung kay Leigh na ang tibok nito? Kung sa una pa lang, si Leigh na ang laman nitong puso ko.

"I was expecting this to happen Kisha. Hindi ko lang alam na ganito pala kasakit kapag nangyari na. At hindi ko naman inaasahan na ganito pa lang kaaga, hindi man lang ako masyado nakapag handa". Mapait na ngiti niya habang sinasabi niya yon. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"What do you mean Timothy?". Tanong ko ng hindi mawawala ang pagtataka sa aking mukha.

"Alam mo naman siguro na kaibigan ko noon si Leigh 'di ba? I know from the start, si Leigh pa rin ang laman ng puso mo pero kahit na gano'n ay lumaban pa rin ako". Mapait na sabi niya. Hindi mawawala sa boses niya ang lungkot at sakit lalong lalo na sa kanyang mga mata.

"Sa hospital pa lang, ng makita ko kayong dalawa ay alam ko ng talo na ako. Na kahit mahal mo ako, na kahit papakasalan mo ako, alam ko na kapag nakita mo si Leigh, anytime ay iiwan mo na ako". Dugtong pa niya habang patuloy na tumutulo ang luha sa mata niya habang ako ay hindi na rin napigilan ang pag-iyak.

"Umakto lang ako na parang wala akong alam. Lagi kitang binabantayan sa hospital habang ikaw ay kasama si Leigh at ng mga magulang niya".

"Kisha, why? Ginawa ko naman ang lahat para ako ang piliin mo, bakit sa kaniya ka pa rin? Pinaramdam ko ang pagmamahal sa'yo pero siya pa rin ang hinahanap mo. Kahit sabihin ko sa sarili ko na dapat ko ng tanggapin pero hindi ko pa rin magawa, hindi ko kaya. Ikaw na ang buhay ko Kisha, ikaw na ang mundo. Kasal na sana tayo kung hindi ka lang niya kinuha mula sa'kin, akin kana sana matagal na". Dire-diretso niyang sabi. Lalo pang tumindi ang naging pag-iyak niya.

Minsan ko lang siyang nakikitang umiiyak pero ngayon, ang sakit. Umiiyak na din ako dahil sa kanya. Minahal ko naman siya pero kay Leigh na ako ngayon, ngayon na nahanap ko na ang una kong mahal.

"I know, Timothy. Ginawa mo ang lahat para sa'kin. But I'm sorry, alam kong hindi sapat ang sorry ko sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Minahal din kita Timothy pero mas mahal ko pa rin si Leigh. Hindi ko naman ginusto na saktan ka". Sakto namang pagkatapos kong magsalita ay nagulat na lamang ako dahil sa pagkabasag ng vase sa harap ko. Napatingin na lamang ako sa kaniya, ngayon ko lang siya nakitang magalit ng matindi.

"That's so b-llsh-t Kisha!". Tiim bagang niyang sabi ngunit lumuluha pa rin.

"Hindi mo gustong masaktan ako huh, Kisha? Bakit nasasaktan ako ng ganito ngayon?! Kung ayaw mo nga akong saktan, hindi mo dapat minahal ang babaeng yun. Inisip mo sana ako, ang mararamdaman ko! Magpapakasal kana dapat sa'kin 'di ba?! Ilang taon tayong nagkasama pero doon ka pa rin sa babaeng yun bumagsak?! Ang tagal kong nasa tabi mo habang siya ay ilang taon ding hindi nagpakita sa'yo pero nung nakita mo siyang muli, nakalimutan mo agad ako?! Ganun ba ang ayaw mong masaktan ako, Kisha?!". Lumuluha niya pa ring sabi sa'kin. pulang-pula na ang mukha niya sa tindi ng pag-iiyak at galit.

Both of us are still crying. Ayoko din naman na nasasakyan siya. Pero kahit ano naman ang gawin ko, masasaktan at masasaktan ko pa rin siya kaya tinatatagan ko lang ang sarili ko. Ayoko naman ng patagalin pa ang panloloko ko kay Timothy kaya ko ito ginagawa. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at dahan-dahang pinunasan ang kanyang mga luha.

"Minahal kita Timothy. Alam na alam mo kung gaano kita kamahal hindi ba? Pero iba na kasi ang nararamdaman ko ngayon. You deserve someone better, hindi ako ang nararapat sa'yo. Sinaktan lang kita. May ibang babaeng magpaparamdam ng halaga mo at hindi ako 'yon". Nakatitig kong banggit ko sa kaniya.

"Please Kisha alam mong mahal na mahal kita. Huwag mo akong iiwan ng ganito. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa buhay ko, please Kisha don't leave me. Please". Pagmamakaawa niya sa'kin habang hawak ang kamay kong nasa pisngi niya.

"At hindi ko din kayang mawala sa buhay ko si Leigh. Nawala na siya sa'kin nung una, ngayong nakita ko na siya ay ayoko na siyang pakawalan pa. I'm so sorry Timothy but I'm choosing Leigh over you. Makakahanap ka rin ng iba. Hindi lang ako ang babae sa mundong ito. Hindi lang sa akin iikot ang mundo mo. Marami ka pang makikilala bukod sa akin, so please set me free and yourself". Ang sakip-sikip na ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa tindi ng iyakan na nagaganap samin ngayon. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tinanggal ang engagement ring na binigay niya sakin at kinuha ko ang kamay niya saka binigay ang singsing.

"Please, move on and be happy". Huling sinabi ko sa kaniya sabay dahan-dahang humakbo palayo sa kaniya. Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak kaya naging gano'n na rin ako. Na habang naglalakad ako patungong sa pinto niya ay naririnig ko lang ang kanyang mga hikbi.

"Remember this, Kisha. I still love you, gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa'kin". Rinig kong sinabi niya bago pa man ako tuluyang makalabas ng condo niya.

Nang tuluyan na akong makalabas sa kanyang condo unit ay iyak lang ako ng iyak hanggang sa makarating lang ako sa parking lot at hinayaan na ang sarili kong ibuhos doon ang mabibigat na nararamdaman ko.

End of Chaptet 24
-------------------------------

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon