HGMP 8

23.1K 478 54
                                    

HGMP 8

End

"I'm sorry"

My morning memories were filled with a smile everyday, but this time... It's different. Nagising nalang ako na walang ibang pumasok sa isipan kundi ang katagang 'I'm sorry' niya kagabi.

I'm sorry? Anong ibig niyang sabihin don?

I'm sorry kasi nawala ang tiwala ko sa kanya? o I'm sorry kasi tama ang hinala ko? Alin sa dalawa? Dahil nababaliw na ako sa kakaisip kung saan ako nagkamali o kung saan ako nagkulang. Nakakabaliw nang kumbinsihin ang sarili ko, na masyado akong tamang hinala.

Nakakabaliw.

Biglang tumulo ang luha ko. Humarap ako sa gilid at yinakap ang unan. Hinayaan lamang na umagos ang luhang walang tigil sa pagtulo.

I want to stop thinking about it. Pero ang hirap, lalo na tuwing sa ipipikit ko ang mga mata ko, ang larawan niya at nang babaeng 'yon ang nakikita ko.

I sighed. Ano ba thia, kakasimula palang nang umaga mo, nagdrama ka na.

Bumangon ako at umupo. "Aja, Thia. Nagmamahal ka eh, panindigan mo."

---

"Mugtong-mugto ang mga mata ah. Nag-away kayo?" bungad ni Kenna sa akin pagkapasok ko sa pharmacy.

Luminga-linga ako. "Si mama?" I asked nang napansin kong wala si mama sa pharmacy.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Akala ko nga magsasabay kayo dito." sagot niya habang nagtataka parin sa namumula kong mata. "Umiyak ka, Thia?"

I smile. "Hindi, may alikabok lang pumasok sa mata ko kanina." I lied. Ayokong bigla mag-iba ang trato nila kay Sven. Ayoko.

Kasi kahit pagbaliktarin ko man ang mundo, hindi mawawala ang katotohanan na mahal ko 'yun, kahit nakakagago. Tangina lang.

Ngumuso si Kenna. "Sus, sige. Naniniwala na ako. Naniniwala talaga" aniya pero alam kong hindi parin siya naniniwala.

Napailing nalang ako at pumasok sa kwarto nang nga employees.

When I got in, I heavily sighed. Trabaho muna, Thia, bago lovelife. Pagnakita talaga ako ni mama naganito ang ayos ko, tsak na pagagalitan ako non. Or worst, mag-iba rin ang turi niya kay Sven.

Napapikit ako nang mariin. Stop it thia. Kung ano man ang relasyon ni Sven at nong babaeng 'yun, mamaya mo na atupagin.

Pagkalabas ko nang silid, agad ako napakunot nang noo. Tawanan ang una kong narinig.

"Eto talaga si Sir, nagpapakajoker kahit hindi naman"

Sir? Sinong sir?

I gulp at mas lalong naglakad palapit sa kanila. Habang papalapit, mas lalong bumibilis ang tibok nang puso ko. May hinala na ako kung sino, but I don't want to assume.

"Naks, bumabawi ka kay Thia, noh? Mga lalaki talaga..." rinig kong sabi ni Tina. "Umiyak 'yun. Lagot ka!"

"Hala, oo! Nakita kong nagmumugto ang mga mata non eh. Ano ba kasi ang kasalanan mo, sir?"

Shit. I bit my lowerlips nang nakita ko si Sven nakausap sila Tina at Kenna. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa naman lunch time ah.

Paano na ang trabaho niya?

My thoughts stop, nang bigla nalang ako tinawag ni Tina. She smile at me and waved. Napalingon rin si Sven sa kinakatayuan ko.

He smile and approach me. "Hey, babe." he kissed my left cheeks. "Let's go out?"

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon