HGMP 24

20.7K 425 47
                                    

HGMP 24

Hidden behind

"Bakit sa lahat ng lugar ay dito pa sa condo mo? At bakit hindi nalang sa restaurant?" pagod kong tanong kay Theo. Umupo ako sa sofa at ipinikit ang mga mata.

"Wow teh, ha? Kung makasuggest 'to, akala mo siya ang magbabayad. Tangnene." Asar niyang sagot sa akin. Sumilip ako sa kanya na ngayon ay dahan-dahang inililipat ang mga plastic sa counter nang kusina niya.

"Eh, sino ba kasi ang nagsuggest nito? Mama mo?"

Napatigil siya sa ginagawa niya at bahagyang lumingon sa akin. Kumunot ang noo niya at agad na umiling, pagkatapos ay ngumuso ito.

"Dami mong question ha. Q and A peg mo? Ano 'to pageant?"

Umismid ako at agad na tumayo. Infairness sa baklang 'to, hindi halatang may bahid na pagkababae ang condo niya. Manly ang dating. Puti ang kulay nang kanyang pader at ang mga kulay nang kagamitan niya ay puro shades of black.

"Baks." Tawag ko kay Theo na tahimik na nilalabas ang pinamili namin. Hindi siya lumingon, pero tumaas ang kilay niya.

"Maglakad-lakad lang ako ditto ha." Pagpapaalam ko.

Napatingin siya sa akin pagkatapos ay muli akong inirapan. "Edi maglakad ka. Nasa akin ba ang paa mo?" inis niyang ani habang nakatingin sa mga chocolates na pinabili ko sa kanya kanina.

Ngumisi ako. "Nagpapaalam lang, baka kasi mamiss mo ako." Natatawa kong panukso. His eyes widen, mabilis pa sa alaskwatro niyang binato sa akin ang isang supot ng marshmallow. Buti nalang nasalo ko agad.

"Ew! It's disgusting! Iniisip ko pa lang, nasusuka na ako" reklamo niya. Umakto pa siya na parang masusuka siya. I rolled my eyes. O.a talaga.

Tumalikod ako sa kanya at nagsimula nang pagmasdan ang kabuohan ng tirahan niya. Like I said, malinis ito at makikinang napakamanly ng dating. Pero 'yung nakatira, babaeng-babae ang porma. Malaki ang condo unit niya. Mayroon siyang apat na kwarto. Without even thinking, pumasok ako sa unang silid. I bet, this is his bedroom.

"Wow."

Konti nalang talaga magdududa na ako kay Theo. Bakla ba talaga 'to? Bakit ang manly ng dating nang kwarto niya? The interiors are beautiful. Nakakahalina. Hinawi ko ang kurtina na nasa kanang bahagi ng kanyang silid. To my surprise, bumungad sa akin ang mga buildings. It's a beautiful view.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaliwang bahagi nang kwarto niya. My cheeks blushed as my memories starting to flashed. Oh, parang kailangan ko nang mangumpisal! Bakit ba kasi bigla-bigla ko nalang naaalala ang gabing 'yun? At bakit rin kasi nagkaala-ala pa ako tungkol doon eh!

Whoa! Bakit uminit yata, bigla?

I was about to go out dahil parang kailangan kong makalanghap nang malinis na hangin, but my vision suddenly went to the table beside his bed. A photo of Theo and a girl besides him.Mukhang kinuha pa ito sa isang isla. Nakaakbay siya habang nakangiti, tapos 'yung babae naman ay nakatingin sa kanya habang nakangiti rin. They look good together... they both look in love to each other...

Mabilis akong umiling. Seriously, Thia? Si Theo 'yan. Impossibleng jowa niya ang nasa picture. Halos kasuklaman niya na nga ang ideyang mainlove sa babae.

But it is possible 'di ba? Pwedeng bago siya nagging bakla, maaring na inlove siya sa isang bababe.

I felt an indescribable pang felt inside of my chest. B-bakit parang... bakit bigla akong nakaramdam ng ganito? Hindi dapat ganito. I gulp and decided to ignore what I am feeling right now. Iwinaksi ko ang iniisip at mabilis na lumabas sa kwarto niya.

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon