HGMP 2

39.9K 615 37
                                    

HGMP 2

Kingdom of Reptiles

Mausok. Maingay. Nakakakilabot. Nakakapasok na ako sa ilang bar, pero hindi ito ang inaasahan ko. May ilan ay naghahalikan, 'yung iba todo sayaw tapos may ilan naman ay nakaupo sa isang couch at may kaakbay na babae.

Bakit sa dami-raming bar, dito pa naisipan ni Reen na maglasing?

Agad ko kinuha ang cellphone ko tinawagan si Reen. Jusko, sana walang masama na nangyari sa kanya ngayon! Knowing her, pagnalasing, wala na sa tamang pag-iisip!

Nakipagsiksikan ako sa mga taong naglalakad dito. May ilang sumasayaw, may ilan naman na akala mo ay model kung makarampa! Hindi ko na nga nabilang kung ilang beses na ako naapakan.

I don't know what's happening. Bigla nalang naging wild ang music, at naging wild na rin ang mga tao dito.

"Sir, your place or mine?" rinig kong bulong nang isang babae sa matandang lalaki. Humagikhik pa ito ng halikan siya sa leeg.

"Mine..."

Napangiwi ako. Darn, mukhang kailangan kong maligo ng holy water mamaya. Mababatukan ko talaga si Reen! Sino ba ang nag-introduce sa kanya, nang ganitong klaseng lugar?

Abala ang mga mata ko sa kakahanap sa kanya. Nasaan ba kasi siya?! Panay ring lang ang phone niya, walang sumasagot! Jusmiyo, baka ano na ang nangyari doon!

I was about to walk away, nang nasagi ako ng isang babaeng sumasayaw.

"Aray!" sigaw ko nang natamaan ko ang isang table. And the girl, just smirk at me. What the hell? Hindi man lang magsosorry? Nasaan na ang magandang asal na itinuturo sa paaralan? Nawala na ba?!

Ibalik ko siya sa kinder garten niyan eh.

"Hala, miss! Ayos ka lang ba?"  tanong ng babaeng napahawak sa braso ko, pagkatapos kong tamaan ang table niya.

Hilaw akong ngumiti. "Ayos lang. Geh, salamat."

Umiling siya. "Nako, 'yung bruhang 'yun. 'Di marunong humingi ng tawag!"

"Hoy ateng, hindi naman ikaw ang natulak! Kung maka ano 'to." sabat ng isang lalaki na hawak-hawak ang baso na may alak.

Tinaasan niya ako ng kilay, nang nakitang nakatingin ako sa kanya. "Oh? May problema ka sa bagong kulay ng hairlalu, ko?"

Ngumiwi ako. "Wala."

Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa kanila. Tumalikod kaagad ako, pero bago pa ako maka-alis ay narinig kong nagsalita 'yung lalaki.

"Arte ni gurl, ha. 'Di naman kagandahan!"

"Theo! Ang sama mo."

"True naman ah. At pwede ba, ateng! Don't call me, theo!"

Umiling nalang ako. Hindi lang nagpaalam, maarte na? Yung totoo? Baka isa rin siya sa ibabalik ko sa kindergarten eh.

Nang nakita ko ang hagdanan, umakyat ako patungo sa second floor.

Takteng! Nasaan na ba kasi siya? Biglang nagring ang phone ko.

"Nakita mo na ba, Thia?" tanong ni Freya sa kabilang linya.

"wala pa eh."

"Sige, hahanapin ko narin dito. Kakarating ko lang."

"Geh, tawagan mo nalang ako pag--"

Nanlaki ang mata ko. What the hell?! Nakita ko si Reen na nakahiga sa couch, may saplot pa naman. Pero, may lalaking nakapatong sa kanya! They are making out!

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon