HGMP 10
One mistake
"Bumangon ka na dyan." hinila ni Freya ang kamay ko at pilit akong pinapatayo.
Two days. Pangalawang araw na nang pagkakamatay nang puso ko. Shet lang, ang sarap magbigti. Kahit anong pilit ko na iwasan masaktan dahil wala na nga kami, pero heto pa rin ako, nagmumukmok.
Nagpahila lang din ako kay freya. I stared at the table, kung saan naroroon ang mga larawan namin ni Sven. Bago kasi ako natulog kagabi, iniyakan ko pa 'yan. Leche lang.
Ako 'yung nakipaghiwalay, pero parang ako naman ang hiniwalayan!
Paminsan-minsan naiisip ko, kasalanan ko rin naman kasi eh. Kasalanan ko rin kung bakit humantong kami sa hiwalayan. Prinepressure ko rin kasi siyang magpakasal sa akin. Pero masisisi niya ba ako, kung gusto ko lang maging sigurado? Gusto ko lang naman na masigurado na siya na talaga ang dead end eh.
Pero kasalanan niya rin naman, hindi siya nagpakatotoo. Hindi pa siya sigurado. Anak nang, hindi pa siya sigurado sa akin, pero nagawa niya akong jowahin sa limang taon!
Limang taon... Na sana magiging anim na next week.
Leche.
"Umiiyak ka na naman!" reklamo ni freya sabay punas nang luha ko. "Kaya ka iniiwan eh, kasi ang iyakin mo! Ang dali mong masaktan." aniya pero patuloy pa rin sa pag pupunas nang luha ko.
Sinamaan ko siya nang tingin. "Alangan naman magpaparty ako di ba?"
Umirap si Freya. "Gago si Sven, kaya huwag mong iyakan."
"Palibhasa wala kang nobyo, kaya madali lang sa'yo sabihin na huwag siyang iyakan! Limang taon! Limang taon pero ano? Hindi pa rin siya sigurado na ako na 'yung mapapangasawa niya? T-tapos... Bwiset siya! Pinsan niya daw 'yung babae, tangina niya! May pinsan bang hinahawakan ang bewang at pinipisil ang hita niya?!"
Napailing si Freya. "Kaya huwag mo nga iyakan, kasi bukod sa gago siya, puta pa."
Umiling ako at tinakpan ang mukha. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko, pero wala eh. Tumutulo pa rin.
Kailan ba ako hindi na iiyak? Kailan ko ba matatanggap na wala nang kami? Kasi ang totoo niyan, ang hirap huminga pag alam mong ang bigat-bigat nang dibdib mo.
Para kang mamamatay sa sakit.
"Sunugin mo na kaya 'to." napatingin ako kay Reen na hawak-hawak ang larawan namin ni Sven noong third year college kami.
Nakayakap siya sa bewang ko habang nakatingin sa akin. Ako naman, malaki ang ngiti habang nakatingin sa camera.
Bushet.
"A-ayoko." sabi ko sabay iwas nang tingin. Hindi ko pa kaya.
Paano nalang pagmagbalikan kami? Edi sayang 'yung mga pictures? Ayoko. Nakakafrustrate man, pero may parte parin sa akin na umaasang magkakabalikan kami. Tanga na kung tanga. Ganito talaga sa pag-ibig.
"Gaga! Paano ka makakamove-on kung may litrato ka pa rin niya?" ani Freya.
I didn't speak. Napalabi nalang ako. Wala akong balak magmove on. Kasi ineenjoy ko pa ang sakit na nararamdaman ko pati na rin ang pagiging tanga ko para sa kanya.
"Ano? Susunugin mo o hindi?" mataray na tanong ni Reen.
Isang tulo nang luha lang ang nagawa ko. Ayoko... Ayoko, kasi umaasa pa rin ako.
"Reen naman..."
Tinaasan niya lang ako nang kilay. Nanlaki ang mata ko sa sunod niya ginawa. I immediately run towards her at kinuha ang larawan.
BINABASA MO ANG
He Got Me Pregnant(Complete ✔)
RomanceGay story#2 I'm Corinthian Zia Chavez. 22 years old and a Pharmacist. Meron isang napakaperpektong pamilya, mapagmahal na boyfriend at magandang trabaho. Everything was perfect. Until one night, something happen. The worst thing ever happen to me! N...