HGMP1
Midnight callI don't know what to say. Hindi ko alam ang sasabihin ko, o gagawin man lang. Para akong napako sa kinakatayuan ko. All of us were shocked. Hindi ito ang inexpect namin. Wala naman ito sa plano e, dapat kasi magiging magical ang gabing ito.
But it turns out, naging nightmare.
Tuluyan nang napaluhod si Leo. Nasa sahig ang singsing na dapat sana'y suot-suot ni Jayne ngayon.
God! Jayne is my friend! We're been friends since highschool! Hindi ako aakalain, na ganito ang gagawin niya.
"L-leo!"
Tumakbo si Freya patungo kay Leo. He's crying, pero walang ingay ka na maririnig. My knees are slowly trembling. Unti-unti ako nawawalan ng enerhiya sa katawan. How could she?! Paano niya nagawa 'to?! Siguradohin niyang may sapat siyang rason! Dahil kung hindi--I don't know if I could look at her.
Pumunta na rin si Reen sa gawi ni Leo. They hug him, samantalang ako ay napaupo nalang sa malamig na sahig.
"B-bakit? A-anong..." then, he began crying.
I can't stand watching him crying because of my friend. Kung masakit na sa akin na makita siyang umiiyak, paano na kaya siya 'di ba?
"Shhh...b-baka may rason si J-jayne" pag-aalu ni Freya.
"How could she do that?! Nangangati ang kamay ko para sampalin siya! Para naman magising ang gagang 'yun!" ani Reen. She's pacing back and forth.
I close my eyes. *Why jayne? Why?*
Sana panaginip lang 'to. Sana hindi ito totoo. Sana, imahinasyon lamang namin ito. Sana lang, pero sa bawat tulo ng luha ni Leo at sa bawat pag-aalu ni Freya sa kanya, mas lalo akong nanghihina.
This is Real, Thia. At sana, may magandang rason si Jayne.
***
"Baby, what's wrong?"
Napatalon ako sa kinauupoan. Darn, nagspespace-out na naman ako! Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Inayos niya ang eyeglass niya, habang nakakunot ang noo.
I sigh. "Iniisip ko kasi 'yung, prososal ni Leo, last month." sabi ko sabay nguya sa ulam na niluto niya para sa akin.
Darn! Masyado yata akong swerte, at nabiyayaan ako ng isang lalaki na maalaga, mapagmahal, mabait at magaling magluto!
He smile. "Huwag mo na 'yun, alalahanin." aniya.
Tumango ako. "Sana ganon lang kadali kaso, ang hirap eh. Kamusta na nga pala si Leo? Wala na akong balita sa kanya."
"Umuwi ng Cebu. Mending his broken heart. Si Jayne? Kamusta na?"
Napakagat ako sa aking ibabang labi. "She's...I don't know her anymore. Simula nong pagreject niya, hindi na namin siya mahagilap. Or kung makita man namin siya, umiiwas. Tapos si Reen naman, ang sama. Ayaw pansinin si Jayne."
"Galit yata 'yun sa ginawa ni Jayne." sagot naman ni Sven.
Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Siya kaya? Kailan niya pa ako balak tanongin? Ready na ako, oh. Kulang nalang ako pa ang bumili ng singsing.
I bite my lower lip. Should I ask him again?
I sigh. "Bab--" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone niya.
He raise his hand, like saying me to pause. Sinagot niya ang tawag nang hindi lumalayo sa akin.
"Yes, hello? 1 pm, why? Just bring the report, and I'll discussed it to you, later. Okay..."
Napayuko nalang ako. Siguro, hindi muna ito ang tamang panahon para tanongin siya tungkol sa pagpapakasal. Masyado pang busy eh.
Pero, hanggan kailan?
"Okay, I'll be right back." binaba niya na ang cellphone, tapos agad na tumingin sa akin. "What is it again, baby?" tanong niya.
Tinitigan ko siya. Hanggan kailan pa ba? Kailan pa ba ang tamang panahon, para tanongin niya ako? Or baka naman, masyado lang ako nagmamadali.
I smile before shooking my head. "W-wala. Nakalimutan ko ka agad eh." pagdadahilan ko, sabay kamot ng batok at pekeng tumawa.
He caressed my hand. Damn his touch! His giving me a million of electricity. Parang gusto kong sumayaw ng 'Asim kilig' na commercial!
"Are you, okay? Pwede kang mag-out."
Umiling ako. "I'm fine, baby."
"You sure?"
"yeah."
Hindi na siya nagsalita, pero panay ang tingin niya sa akin. Para ba'y sinusuri ako. I smile at him. He smile back too, kahit na ramdam ko ang pangangamba niya.
We talk for an hour. Nang malapit na ang ala-una, he excuse himself. Kailangan niya na bumalik sa company. Hinatid ko naman siya hanggan sa parking lot ng pharmacy namin. He kiss my forehead, before leaving.
I sigh. Pinagmasdan ko lang ang sasakyan niyang paunti-unti nang nawawala sa paningin ko. *Sven, Kailan?*
***
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Darn, sino ba ang matinong tao na tatawag sa akin, nang ganitong oras? Alas dos na nang madaling araw! May trabaho pa ako mamayang seven!
Tamad kong kinuha ang cellphone at hindi na inabala pang tignan ang caller I.D.
"Hello?"
"OHMYGOD, thia! May kwen--kyaah, huwag dyan!"
Bumalikwas ako. Damn it! Anong katangahan na naman, ang pumasok sa kokote ni Reen at naglasing? "Reen! Nasaan ka?"
Shit! Hindi siya pwedeng malasing! Kahit sino nalang ang hinahalikan! Or worst, pinapahalik niya ang lalaki sa kahit anong banda ng katawan niya. Nasaan ba ang boyfriend nito?
Humagikhik siya. "Ang gwapo nang kachuchu ko!--Kyaah, ano ba?"
Kumunot ang noo ko. Ano daw? Anong kachuchu? "Reen! Nasaan ka ba?" tanong ko ulit.
Anak nang! Kinakabahan na ako sa pinanggagawa niya ha! Bakit ba niya naisipang maglasing?
"Come on babe, take it off."
Napaawang ako. WHATTHEHELL IS GOING ON?! "Punyemas, Reen! Nasaan ka ba?!" sigaw ko. Bahala na kung marinig ako nila kuya at mama sa kabilang kwarto.
"hihi, anong itetake off ko?" malandi niyang sabi. Napasapo ako. Darn it!
"Reen! Makinig--"
"all baby. Everything"
Pakingtape?! Jusko, papaliguan ko ng holy water mamaya si Reen. "Reen, shutanginames, nasaan ka ba? Saang bar? At yema lang! Huwag kang maghubad, dyan!"
"hihi, okay. Siya lang ang papahubadin ko?" sagot niya sa akin.
Takneneng naman. "Hindi. Sabihin mo muna kung saang bar ka."
"Sa Moonlight. T-teka lang...nakikiliti ako."
Agad ko pinatay ang tawag. Pahamak talaga sa buhay si Reen. Kung hindi ko lang kaibigan, pinabayaan ko na!
Kinuha ko ang cardigan ko, at hinanda ang kotse. Bahala na si batman! Mag-eexplain nalang ako nila mama mamaya. Tinawagan ko na rin sila Freya at Jayne.
Napakagat nalang ako sa aking labi. Damn it, Reen. Sana hindi ka pa bumigay pagdating namin.
###
Panaginip 2017
June 18
BINABASA MO ANG
He Got Me Pregnant(Complete ✔)
RomanceGay story#2 I'm Corinthian Zia Chavez. 22 years old and a Pharmacist. Meron isang napakaperpektong pamilya, mapagmahal na boyfriend at magandang trabaho. Everything was perfect. Until one night, something happen. The worst thing ever happen to me! N...