HGMP 6

25.9K 481 32
                                    

I REALLY WANT TO HEAR YOUR FEEDBACKS GUYS. PLEASE.

------------------------------------
HGMP 6

Betrayed

"Girl, tapos ka na? Hindi pa naman lumalakas di ba?"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Panay ang paglunok. Shet. Bakit ngayon ka pa kasi lumabas ha? Bakit ngayon pa?! At bakit tumagos ka pa?!

I bit my lower lips at mahinang iniuntog ang ulo ko sa pader. Lupa, kainin niyo na po ako. Hindi ko na kaya ang kahihiyaan na ito.

KAYA PALA PINAGTITINGINAN AKO NG MGA BABAE SA MALL. HINDI DAHIL NAAKUSAHAN AKONG SHOPLIFTER, KUNDI DAHIL SA TAGOS! JUSKO.

"Ateng nagmamaganda, napipi ka yata?" tanong niya ulit mula sa labas.

Umirap ako. Okay, kaya mo 'yan, Thia. Nakapagnapkin ka naman. Kaya ayos na!

Lalabas na sana ako nang bigla akong may naalala.

May tagos nga pala ang pantalon ko. Paano ako makakalabas dito? At bakit rin naman kasi puti pa ang sinuot ko? Edi kitang-kita nang mga madla?

Isa lang naman ang pag-asa ko ngayon eh...

Tumikhim ako. Kaya mo 'yan, thia. Kapalan mo lang ang mukha mo. Bakla naman 'yan eh.

"Uhm... Theo?" tawag ko kay Theo or Thea ay basta! Nasalabas lang siya nang cubicle ko. Ewan ko dito. Feel na feel ang pagiging beki. Hindi nahiya sa mga babaeng pumapasok dito sa powder room.

"Oh? Ilulunod kita sa kumukulong tubig, paghindi mo pa ako tatantanan sa kakatheo mo." inis niyang ani.

I rolled my eyes. Ang ganda kaya nang pangalan niya! Luke Matheo Pacheco. Paano ko nalaman? Naalala ko lang.

"Pwedeng favor?"

"Mahal ang favor ko."

I bit my lower lips. "Bakla naman..."

"Isa pang bakla, makikita mo talaga!"

Kumunot ang noo ko. So, ano ang gusto mong itawag ko sa'yo? Ang labo nito eh. Ayaw niya sa Theo, ayaw niya rin sa bakla. Ang lito niya!

"O sige, Luke--"

"Ay bwiset. Bahala ka na sa buhay mo."

Agad kong binuksan ang cubicle dahil sa takot. Mahirap na no! Paano kung iwan niya ako? Paano ko haharapin ito mag-isa? Siya lang ang pag-asa ko, tapos papaalisin ko lang? No, way!

"Uy! Ano ba kasi ang itatawag ko sa'yo?" tanong ko kay bakla nang hindi pa siya nakakalabas nang powder room.

Mabuti nalang walang tao dito. Kami lang dalawa.

He rolled his eyes. Ang taray ni bakla! Ngayon ko lang nakita na nakafoundation at lipgloss siya.

"Thea girl. Thea, duh." aniya na parang sinasabi niya ring *'bobo ba you?'*

Kung hindi ko lang talaga ng tulong niya, kanina ko pa ito nasipa. Pero wala eh, siya lang talaga ang makakatulong sa akin. Ghad, kakainin ko na ang sama nang loob ko sa kanya.

"Pero, nakakalito naman! Thea ka tapos Thia ako. Ang lito kaya!"

"Hindi kaya, gaga! Pang goddess 'yung akin, pang kanto lang 'yung sa'yo."

"Hoy! Sumosobra ka na, ha! Ano bang prob--" napahinto ako nang may bigla siyang hinagis sa mukha ko.

Mabuti nalang na salo ko kaagad. It's a short. Kunot noo akong napatingin sa kanya. Saan siya nakapulot nito? At paano niya nalaman na kailangan ko nang pambaba?

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon