HGMP 38

18.5K 386 25
                                    


HGMP 38

In love

Pinagmasdan ko ang aking reflection sa salamin. I'm wearing a blue dress. Nakatali ang buhok at may kaonting make-up. I'm always doing this before, sa tuwing nag-aaya si Sven na magdate. Titingin sa salamin at pagmamasdan ang katawan kung may kulang pa ba.

But this time... it's different.

Isang tingin lang sa aking mukha, alam kong hindi ako masaya.

God, why am I doing this? Kailagan ko pa ba itong gawin? Kaya ko bang gawing panakip butas si Sven? No. I can't. but I have to. He offered a date, and I hope that it could lessen the pain inside of my chest. Kasi ang sakit na. Parang hiniwa 'yung puso ko eh. Dinurog pa.

"Si Sven ang kasama mo?" seryosong tanong ni papa habang nakasandal sa pintuan. Nakatingin rin siya sa aking mga mata gamit ang salamin.

I bit my lowerlips. "O-opo."

He stared at me. Kumalabog ang puso ko. I know that face. Ganyan si papa pag nagseseryoso. I don't know what is he thinking.

"Alam ba ito ni Luke?" he ask.

I gulp.

"h-hindi po."

Walang nagsalita sa amin. Umiling siya at bumuntong hininga. Agad siyang tumalikod at lumabas nang kwarto. Napahinga ako nang malalim. Kanina pa pala ako halos hindi makahinga dahil sa presensya ni papa.

Naglakad ako patungo sa kama at umupo. Theo's been calling to me since last night. Nakailang message na rin siya sa akin, pero ni kahit isa, wala akong ni replayan. Kailangan pa ba 'yun? I don't think I need to reply all of his texts.

Tatlong mahinang katok ang narinig ko bago ako lumingon sa gawi nang pintuan. I saw my mother, giving me a small smile.

"Si Sven, nandyaan na sa ibaba."

I nodded. Agad kong kinuha ang isang sling bag bago tumayo. Naglakad ako patungo sa pintuan at nilagpasan si mama, ngunit hindi pa ako nakakahakbang palabas nang kwarto ay isang marahan na kamay ang sumakop sa aking palapulsuhan.

"Ma..."

She look at me in my eyes like she's looking in my soul. "Anak, ayos ka lang ba? Bakit na isipan mong sumama kay Sven?"

I look away. Maayos lang ba ako? Hindi. At 'di ko alam kung magiging maayos pa ba ako. "Yes po ma. Okay lang naman ako. Atsaka, mali bang sumama sa kanya?" Cool kong sagot. I even manage to smile, just to conceal my real feelings.

Kumunot ang noo niya. "Si Lu—"

Agad kong kinuha ang braso sa kamay ni mama. "It's fine. As if we would care. We have our own lives ma. Hindi dahil nabuntis niya ako, sa kanya na iikot ang buhay ko. He's not my boyfriend nor my husband." Ani ko.

Suminghap si mama. Her lips parted as her eyebrows narrowed. "N-nag-away ba kayo?"

I smile. "nope. 'di po." Which is true naman. "Alis na po ako, ma."

Hindi ko na hinintay na sumagot si mama. Agad ko siyang tinalikuran at bumaba. Katulad nang sinabi niya, nandito nga si Sven.

Nakaupo sa sofa, habang nakatayo sila kuya at papa 'di gaano kalayuan sa kanya. Nakakabingi ang katahimikan sa loob nang bahay. Parang gusto nilang magtanong, pero hinihintay nila akong mag-open, which is good.

Hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanila, pagnagkataon.

"Sven..." tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa kinaroroonan ko.

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon