HGMP 17
Patawad
"Tara na, 'nak" napalingon ako kay mama na nakangiti sa akin.
I nod and give her a small smile. Tahimik lang kaming dalawa na lumabas sa hospital. Walang nagsalita sa amin hanggan sa makasakay na kami ng taxi.
I tried to relax myself, pero hindi mawala sa kalooban ko ang bigat na dinadala nito. Dalawang araw nga akong nasa hospital, ngunit kahit isang anino ni kuya at papa, hindi ko man lang nakita.
Ganon ba talaga kalaking kahihiyan ang nagawa ko, kaya hindi nila ako madalaw man lang? Naiintindihan ko naman sila eh, kaya nga nagagalit ako. Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit naiintindihan ko ang side nila.
Napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan ang mga gusali na nadadaanan namin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay Sven o kung may lakas pa ba akong sabihin ito sa kanya. Iniisip ko palang kung paano ko siya sasabihan tungkol sa pagbubuntis ko, parang mahihimatay na ako sa kaba.Tatanggapin niya ba ito? O lalayo na siya sa akin? Lalayo na siya kasi hindi niya maatim na makasama ang katulad ko. Ang taong basta-basta nalang ibinigay ang sarili sa iba.
My chest twisted in pain. Thinking that Sven might think of me that way, parang gusto ko nang magmakaawa sa kanya. Magmakaawa na sana tanggapin niya parin ako.
"Anak, nandito na tayo." nabalik lang ako sa reyalidad nang nagsalita sa mama, dahilan para mapatingin ako sa labas.
Nandito na nga kami. I heavily sigh, before going out. Hindi ko mafeel ang aura nang bahay namin. Pakiramdam ko, hindi na ako belong.
Naunang naglakad si mama. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Para itong napako sa kinakatayuan ko.
She stop and glance to my direction. Her forehead creased. "Thia, tara na." aniya.
My lips parted and I want to say na nahihiya ako. Natatakot ako. Hindi ko kayang pumasok sa bahay. But no words escape from my lips. Instead, napahimas nalang ako sa aking braso at napalunok."Thia..." she called my once more.
I gulp. Mariin kong ipinikit ang mata at hinayaan ang sarili na maglakad papasok. Bawat hakbang ko ay katumbas ng pagtibok ng puso ko. Cold sweats are forming on my forehead.
Hinawakan ni mama ang braso ko at ngumiti sa akin. "Nandito ako. Huwag kang mag-alala"
I smiled. Kahit kaunti ay parang gumaan rin ang pakiramdam ko.
Nang nakapasok na kami sa loob ng bahay, para akong nawalan ng lakas. Walang tao. Tahimik ito at parang pinapahiwatig sa akin na bawal ako dito.
O baka naman over lang ang pag-iisip ko?
"Ma? Nasan sila papa?" tanong ko. I tried myself not to form a new set of tears.
Ang sakit lang kasi. Hindi na nga nila ako sinundo sa hospital, hindi ko pa sila madadatnan dito sa bahay.
She sighed. "Magpahinga ka nalang muna, nak. Magluluto lang ako ng makakain natin."
I bit my lowerlips. Tumango lang ako kay mama at naglakad papunta sa kwarto ko.
"Anong gusto mong ulamin?"
"k-kahit ano po..."
"Uhm, mag gugulay tayo ha? Para healthy ang magiging apo ko." I closed my eyes. Hindi ako makatingin kay mama, pero alam kong nakangiti siya.
I decided not to answer her. Agad akong pumasok sa kwarto. Pagkasara ko sa pintuan, parang isang karera na nagsilabasan ang luha ko. Napaupo ako at tinakpan ang bibig.
BINABASA MO ANG
He Got Me Pregnant(Complete ✔)
RomanceGay story#2 I'm Corinthian Zia Chavez. 22 years old and a Pharmacist. Meron isang napakaperpektong pamilya, mapagmahal na boyfriend at magandang trabaho. Everything was perfect. Until one night, something happen. The worst thing ever happen to me! N...