HGMP 22
Understand
"T-Theo... A-anong ginagawa mo dito?"
Ngumiti siya sa akin at agad ring umupo sa tabi ko. Sumunod rin si Sua at Erika sa kanya, pero bago 'yun ay hinalikan muna ako sa pisngi nang kakambal niya.
"Hi, Future sister-in-law!" bati niya.
Kumunot ang noo ko. Future--ha?!
Napatingin ako kay Theo na lumukot ang mukha sa narinig. "Tigilan mo nga ako, Erika! Sabing hindi nga eh." reklamo niya sa kapatid.
Erika giggled. "Hala siya, wala naman akong sinasabi, ah!"
Teka nga, ano bang pinag-uusapan nang dalawang 'to? Lumingon ako sa gawi nila Kenna at Tina na parehong nakatingin kay Theo habang nakahalumbaba. Sabay pa silang kumagat nang straw at uminom.
"Gwapong bakla..." sabay nilang bulong at nagsihikhikan.
Napailing ako. Mga 'to! Pagnakita sila ni Theo na gumaganyan sa kanya, naku, masasampal sila non.
"Kamusta, Thia?" gulat akong napatingin kay Erika nang nagsalita siya.
"h-ha?"
She sweetly smile. "Kamusta? Gumanda ka. Ganyan ba pagbuntis, gumaganda?"
Naramdaman ko ang pag-init nang aking pisngi. Wow, dalawang beses na ako napagsabihan nang maganda, ngayong araw na ito.
Tumawa nang malakas si Theo. "Ito? Sinasabihan niyo nang maganda? Aba, may sira kayo sa mata." pangangasar niya. I raised my eyebrow at him. Aba, panira nang pantasya ang kumag. "Kung maganda siya, ano nalang ako di ba?"
Umirap ako. "Bakla. Feeling babae." sagot ko sa kanya.
He glared at me. " Insecure ka lang. Tse."
Sasagot sana ako, kaso dumating na ang inorder namin nila Kenna. Napataas ako nang kilay nang nakitang inilagay rin sa tapat ni Theo ang order nila.
So, kanina lang sila dito? Naghahanap nang mauupoan? Ganon?
Inilapag sa akin ang inorder kong sinigang na baboy. With request ko pa 'yan kanina na dapat mahanghang talaga.
"Ano 'yan?" tanong ni Bakla sa akin. I raised my eyebrow at him. Seryoso, hindi niya alam kung ano 'to?
"Pagkain." sagot ko.
Umirap siya at halata sa mukha niya ang pagkakainis. "Alam kong pagkain 'yan. Ang ibig kong sabihin, anong tawag diyan. Haler." aniya sabay flip nang imaginary hair niya.
"Hindi ka ba nakakain nang filipino dish? Sinigang ang tawag dito. Silverspoon kasi."
Humalakhak si Erika kaya napatingin ako sa kanya. "Omg, tama ka *sis*, masyadong pihikin si kuya baks sa pagkain."
I bit my lowerlips. Wow, sis? Kailan pa kami naging magkapatid.
Theo scrowl. "Shut up, sisteret. Don't call me that. Nakakadiring pakinggan." aniya sabay kain nang curry niya.
"Omg, ang gwapo niya talaga" rinig kong bulong ni Kenna kay Tina. Seriously, nasobrahan sa kakastarstuck ang dalawang 'to ha.
Tumikhim ako at nagsimula nang kumain. Panay ang pag-uusap nila, habang ako ay nagfocus lang sa pagkain.
Food is life, sabi ni baby.
"Busog ka na, Thia?" tanong ni Tina pagkatapos kong ibaba ang kutsara.
Sa totoo lang, puno na ang tiyan ko. Pero feeling ko, kaya ko pang kumain nang kumain. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Shez, baby. Huwag mo naman patabain si mommy.
BINABASA MO ANG
He Got Me Pregnant(Complete ✔)
RomanceGay story#2 I'm Corinthian Zia Chavez. 22 years old and a Pharmacist. Meron isang napakaperpektong pamilya, mapagmahal na boyfriend at magandang trabaho. Everything was perfect. Until one night, something happen. The worst thing ever happen to me! N...