HGMP 16

18.8K 404 31
                                    

HGMP 16

Disappointment

Ang unang bumungad sa akin pagkamulat nang mata ko ay ang puting kisame. Tahimik at ang tanging maririnig mo lang ay ang tunog nang wall clock.

I feel like I overslept. Inilibot ko ang aking paningin. Walang tao. Mabilis na tumibok ang dibdib ko nang nakitang may nakatusok sa kaliwang kamay.

Oh fuck! Nasaan ako?

Marahan kong hinawakan ang aking ulo. Pilit na inaalala ang nangyari kanina. I woke up and immidiately vomit. Pagkatapos ay nagbihis. Tapos nagkita kami ni kuya. Hanggan sa...

My eyes widen at agad napatakip sa bibig.

Hindi kaya nasa hospital ako?! Mas lalo akong kinabahan. Paano nalang... On my cue, bumukas ang pintuan at iniluwa nito si mama na namumula ang mata. Sumunod si kuya na madilim ang tingin sa akin.

I bit my lower lips. Mahigpit kong hinawakan ang kumot. Alam na kaya nila? Hindi pa ako handa...

"A-anak... Totoo ba?" naiiyak na sabi ni mama.

My heart's beating faster than normal. I could feel my cold sweats on my forehead. Biglang uminit ang loob nang silid. Mom and kuya are waiting for my response.

Instead of answering, my tear falls. Parang kinurot at piniga ang dibdib ko.

"M-ma... S-sorry..." I cried.

Napatulala si mama at napatingin sa akin. Mas lalo akong humagulhol. Hindi naman dapat ganito ang pag-amin ko eh. Hindi dapat ganito. Dapat kasama ko si Bakla. Pero anong magagawa ko? Halata naman na wala siyang kaalam-alam na nanyayari na ito ngayon.

Halos mapatalon ako nang biglang may nauntog sa pader. Paulit-ulit na sinuntok ni kuya ang pader.

"Gagong Sven na 'yun... Malilintikan siya sa akin" giit niya habang paulit-ulit itong sinusuntok.

My chest twisted in pain and my guilt are hugging my whole system.

Mabilis akong umiling. Ayoko maging unfair. Ayoko na. Hindi nga alam ni Sven ang tungkol dito, tapos siya pa ang sisisihin...

"K-kuya... Hindi si..." pumiyok ako at tinakpan ang mukha. Ang hirap huminga. Ang sikip sa dibdib.

Ang hirap umamin. Paano ko masaaabi sa kanila na ibang tao ang nakabuntis sa akin? Paano ko sasabihin sa kanila na nagkaroon ako nang accident one night stand at nagbunga?

Umiling-iling ako. Hindi ko sila kayang tignan. Nahihiya ako. Natatakot. Nakokonsenya ako sa pinanggagawa ko sa buhay. "H-hindi siya kuya..." I said between my sobs. "Hindi si Sven..."

Silence filled our room after my sudden revelation. I keep on crying. Hinihiling na sana mawala ang sakit at bigat na nasa dibdib ko.

"Oh my..." narinig kong ani ni mama. Katulad ko ay napahagulhol na rin siya.

Mariin ako napapikit. Kung may isang scenario akong ayaw makita, 'yun ay ang umiyak ang mama ko. Ang sakit eh.

"B-bakit?" unang tanong na lumabas sa bibig niya pagkatapos niyang maupo.

I bit my lowerlips. Hindi ko rin alam eh. 'Yun din ang tanong ko sa sarili. Bakit nga ba? Bakit?

"Tangina..." my brother cursed pagkatapos niyang makarecover sa sinabi ko kanina. "Corinthian... Nagbibiro ka lang di ba?" his voice sounded very careful yet also dangerous.

Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang nanlalamig na daliri. Sana nga nagbibiro nalang ako. Sana nga hindi ito totoo. Sana nga, pero hindi eh. Kahit baliktarin pa namin ang mundo, kahit mag iba man ang klima dito sa pilipinas, hindi mababago ang katotohanan na meron na. Meron nang buhay na lumalaki sa sinapupunan ko. At ang tanging magagawa ko lang ay tanggapin ito. At sana ganon rin sila. Kung sana ay madali lang ang lahat. All I can do is to cry. He slam the door when he doesn't got any answer from me.

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon