Devi's POV
Kinuha ko ang isang malaking Piattos na green at Smart C at saka ako pumila sa counter.
"Uy pare! Tingnan mo oh, sa likuran mo may nakapilang bata." Bulong nung lalaking nauuna sa pila dun sa kasunod niyang lalaki.
Matik naman na pangatlo ako noh?
Aba loko to ah! Sabihan daw ba ako na bata?
Lumingon naman yung lalaking pangalawa sa pila sa akin.
Shemaks! Eh ang tangkad niya eh, as in tingala ako sa kanya.
Edi kayo na matangkad! Ako na ang pandak! Ako na talaga!
Kapansin-pansin din yung damit nila.
Hmm! Never mind!
"Hindi na bata yan." Pagkasabi nung lalaking nauuna sakin ay saktong siya na ang kasunod.
Mabilis lang siyang nakapagbayad kaya ako na Yishi! Makakauwi na rin ako!
"Hi Bata! Gabi na ah. Nasaan ang mga magulang mo?" Pagtatanong sa akin ng cashier.
Namumuro na talaga sila sakin ah! Hindi na nga kase ako bata! 19 na kaya ako. Kawawa sa kanila! Grrrrrr!
"Ahm ate! Ito na po yung bayad ko at FYI po, 19 na po ako, pakisuklian na lang po nitong 1,000 ko kasi nagugutom na ako." Nakangiting sabi ko sa Cashier.
Hindi man makapaniwala yung cashier ay sumunod pa rin siya at ako naman ay agad na lumabas.
Nawalan na ako ng ganang kumain dito, uuwi na lang ako.
Mukhang bawal ata ako dito huhuhu!
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa malapit na ako sa amin.
Wooh! Ang dilim naman, nakakatakot kaya, bakit ba kasi hindi ko dinala yung kotse ko?
Malamang mahuhuli ako na tumatakas! Hayyyyssss!
"Hoy Mish!" Sigaw ng isang lalaking lasing.
"Ako po?" Pagturo ko pa sa sarili ko.
"May iba pa bang babae dito?!" Lumapit na yung lalaki sakin at ako naman ay naglakad paatras.
"Paisha naman ako Mish!"
"Isa moto!" Pagkasabi ko nun ay tumakbo naman ako at sa kakatakbo ko ay may nakabanggaan akong lalaki at ako lang ang natumba.
"Bakit parang takot na takot ka?" Sabi nung lalaking nakabanggaan ko.
Napatingala naman ako sa kanya at nagulat ako, siya yung lalaking matangkad na nauna sakin sa pila kanina.
"Ahm... Kasi ano---
"Mish! Shige na! Paisha! Lang naman eh!" Biglang sigaw nung lasing na nakalapit na samin.
"Tumayo ka na diyan." Sabi nung lalaki at nilahad naman niya yung palad niya para tulungan akong tumayo.
"Sorry pero di pwede!" Mahinahon pero nakakatindig balahibong sabi nitong si Tall Guy.
"Sino ka ba?!"
Nakapwesto ako ngayon sa likuran ni Tall Guy.
"Boyfriend niya" napatulalang tiningnan ko siya-- si Tall Guy.
Ano raw? Boyfriend? Hanep ang imagination!
Napatitig naman ako kay Tall Guy, natatakpan yung hitsura niya ng bangs niya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang hawak niya ang kwelyo nung lalaking lasing.
"Wag kang makaisa-isa diyan ah, baka isahan kita ng sapak diyan." Pagkasabi niya nun ay binitawan niya na ang kwelyo nung lasing at hinatak na niya ako.
Sinamahan niya ako hanggang sa nasa tapat na ako ng malaking gate namin. Sabi ko nga sa kanya wag na akong samahan eh, pero mapilit siya kaya yan.
Ang pinoproblema ko ay baka tulog na si Manang Arlyn.
(Siya lang naman yung kasabwat ko sa pagtakas ko hahaha)Pasaway ako kapag nagugutom hahaha!
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumalikod at akmang maglalakad na siya nang---
"Sandali!"
Humarap naman siya at imbis na magsalita ay ginulo-gulo niya lang ang buhok ko kaya napatulala nanaman ako at siya naman ay tuluyan na ngang umalis.
BINABASA MO ANG
My Cute Size Girl
RomanceMeet Devian Farah Fajardo, "The Cute Size Girl". Mayaman, masayahin at maganda naman si Devian, hindi siya matalino kagaya ng mga kaibigan niya, hindi rin siya matangkad at dahil dun ay marami sa kanyang nanghahamak. Meet Joey Derrick Rycho Montecil...