Chapter Twenty One: Regret

832 26 2
                                    


Nial's POV

Tahimik na nakamasid lang ako sa pinagdudumugan na magkakaibigan, habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko mapigilan ang mag-isip.

Ang lapit lang niya pero parang ang layo niya sakin.

Kung hindi ko ba ginawa ang ginawa ko, malapit pa rin kaya kami sa isa't-isa ngayon?

Bakit kasi ang tanga ko?

Bakit ako nagpabulag sa pagmamahal ko kay Chary?

Napangiti ako ng mapait sa mga naiisip ko, ang saklap lang kasi na hindi rin ako mabibigyan ng pagkakataon na mapalapit sa kanya, kung di ko ginawa yun, kung hindi ko pinaglaruan ang nararamdaman ni Devi, pero sa hindi ko maintindihang dahilan eh nasasaktan ako dahil nasaktan ko siya at hindi mawaglit sa aking isipan ang panghihinayang.

Nabulag lang naman ako eh, pero hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa patibong na inihanda ko.

Flashback:

Tahimik na nakasunod lamang ako sa kanya, ang ganda niya talaga, siya ang babaeng pinapangarap ko simula pa nung pagkabata.

Chary Salazar, kung dati hindi ko siya maabot, ngayon ay abot kamay ko na siya.

Napahinto siya sa paglalakad kaya huminto din ako.

"Do you really love me?" May pag-iinarteng tono na sabi niya.

Tinitigan ko siya ng walang alinlangan.

"Oo, maarte ka, war freak ka, bully at masungit ka pero hindi nun mababago ang nararamdaman ko para sayo, I love you Chary." Sinserong sabi ko sa kanya habang ang ekspresyon niya ay parang hindi maintindihan.

Oo tanga ako, bulag ako, hibang ako at sunod-sunuran ako, pero mahal ko siya at ang nagmamahal ay nagpapakatanga, I will do everything to win her heart and get her sweet yes.

Lumipas ang mga araw at di pa rin ako tumigil sa panliligaw sa kanya kahit madalas niya akong napagbubuntungan dahil sa hindi siya nakaganti sa mga kaaway niya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakabanggaan ko ang isang babae at as usual, panay nanaman ang tilian at usapan ng mga babae at bakla dito.

"Sorry miss." Napatingala naman ang babae nang ilahad ko ang kamay ko at nang sabihin ko yun.

Inabot niya yung kamay niya at tinulungan ko naman siyang tumayo.

Namamanghang nakatingin lang siya sakin.

"Oh my God! Why is he helping that girl?"

"Hala! No way! Don't tell me type niya yan?"

"Kyyyyaaaaah! Ang gwapo ni Nial at ang swerte ni little girl!"

"Hahahahahahaha!" Nagtawanan naman ang lahat ng babaeng nagtitilian kanina dahil sa sinabi nung isang girl.

"Ahm, I have to go miss, sorry ulit." Sabi ko sa kanya ngayon pero nakatulala lang siya sa akin.

Magkahawak pa rin yung kamay namin, napalingon naman ako sa kamay namin.

Kumunot naman ang noo ko at napatingin din siya sa kamay namin.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon