Chapter Fifteen: What's wrong?

958 33 3
                                    


Larry's POV

Napalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung maraming nagkalat na babae sa paligid, baka kasi mamaya magkagulo nanaman eh, napapakamot na lang ako sa ulo.

Hindi ko ginusto 'to, dati naman kasi hindi ganito kagrabe yung pagdumog nila sakin, ngayon araw-araw na silang ganyan.

Haaaaaaayyyyyysss!

Vacant time namin ngayon kasi may meeting ang mga teachers ng engineering ng 2 hours tapos break time na rin ang kasunod at 1 oras na lang naman ang natitira.

Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Montecillo, nagpapalinga-linga rin siya.

"Wag kang mag-alala, walang mga babaeng nakakalat ngayon." Bigla naman niyang sabi.

Napakaseryoso niya ngayon ah, malayong-malayo sa kilala naming Joey na palabiro. Ewan ko kung ganun nga, hindi ko makita ng maigi yung mukha niya dahil sa bangs niya, pero dahil sa tono ng pananalita niya ay mababakas mo ang pagka-seryoso niya.

"Bakla lang ang mga nagkalat." Napatingin naman ako sa kanya at naalala kong may baklang habol ng habol sa kanya.

Tsk! Tsk! Tsk! Wala talagang pinipili yung mga bakla, pati ako mananagot nito eh.

"Look mga beks! May mga fafa ditey!" Nagkatinginan naman kami ni Joey nang marinig naming may nagsalitang bakla sa likuran namin.

Lumingon naman sa likod si Joey at tuluyan naman siyang humarap sa mga bakla at ganun din ang ginawa ko.

"Mga echoserang sirena! Mas falung-falo yung bangs ko sa inyo at akin lang 'tong fafang 'to." Nag-pigil naman ako ng tawa nang sabihin ni Joey yun sa mga baklush.

Nagkatinginan naman yung mga bakla at tumingin din kay Joey.

"Hindi siya sirena." Bakla 1

"Wiz ko maamoy." Bakla 2

"Kaloka ang bangs niya, mga bakla!" Bakla 3

"Nasa harapan natin si Fafa Larry" Bakla 4

Tinalikuran naman namin ang mga bakla habang nag-didiskusyon at sinenyasan niya ako.

"1 2 3! Takbo!" Magkasabay naming sabi at sabay naman kaming tumakbo pero nag-iba naman siya ng direksyon.

Papunta siya sa CulArts building, habang ako naman ay papunta sa library.

Nang makarating ako sa library ay sinuot ko yung face mask ko at naghagilap agad ako ng kailangan kong basahin, nang makahanap ako ay naglibot ako para maghanap ng mauupuan.

Hindi ko inasahang punuan dito ngayon, maraming pwedeng upuan pero ngayon ay wala akong mahanap.

Nahagip naman ng mga mata ko na may bakante pang upuan sa may gilid na table at ang babaeng nag-iisa na busy magbasa.

Lumapit naman ako kaagad doon.

"Can I sit hear?" Pagpapaalam ko sa babae.

Ibinaba niya ng saglit yung libro niya at ako naman ay nagulat.

Siya yun! Siya yung president sa Chem Engineering, siya rin yung---

"Sure." Matipid niyang sabi at nagpatuloy na sa pagbabasa kaya ako naman ay umupo na sa tapat niya at nagbuklat na rin ng libro.

Nakakailang minuto na akong nagbabasa ay hindi pa rin ako makafocus.

Hindi ako mapakali at lihim naman akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon