Chapter Twenty four: Falling for him

913 26 2
                                    


Devi's POV

Tulalang hinihigop ko ang iced tea na nauna na sa mga inorder namin.

Hindi ko alam kung bakit pero munu-minuto na ngang pumasok sa isip ko ang lalaking may--- wala na palang bangs.

Bakit ba gusto ko siyang makita kahit wala namang pasok ngayon?

"Girl! Kinakausap ka kaya, lutang ka nanaman." Napalingon naman ako sa nagbulong sakin nun na si Yanny na katabi ko.

"What's on your mind? It seems like you're daydreaming." Pang-eenglish naman ni Yoonri.

Daydreaming? Huh? Napansin ba nilang--- ito pa pala ang problema ko, napapangiti ako kapag naaalala ko yung nangyari nung may program, noong nagtago siya sa likuran ko hahaha! Nababaliw na ata ako, waaaaaah!

"Are you still with us?" Ngayon ay si Ariana naman ang nagtanong.

Aba't!

"You're crazy." Sabi naman ni Yanny.

Englishan pala 'to eh, teka! Makaisip nga ng English lines na narinig ko, ang problema nga lang ay wala nga pala akong isip 😂

"Hey! You three! I cook myself! Can you cook yourself?" Confident kong sabi pero nagulat ako nang matawa silang tatlo at pati yung nasa kabilang table.

"Hahaha, yes we can cook for ourselves but we won't cook ourselves, so you're cooking yourself?" Tuloy-tuloy na sabi ni Yoonri habang tumatawa pa rin.

Hoy! Joke lang kaya yun! Sinadya ko nga eh.

"Joke lang yun para di niyo na ako tanungin hehehe. Kunwaring hindi nahihiyang sabi ko.

"Hahahaha! Ikaw kahit kailan nakakatawa ka talaga." Natatawang sabi ni Yanny.

"Sus! Palusot ka nanaman Devian." Pang-aasar naman ni Ariana.

Nagkibit-balikat lang naman si Yoonri at sakto namang dumating na yung inorder namin.

Nga pala, kung nagtataka nga pala kayo tungkol kay Larr--- oh! Speaking! Ayan na siya, pero di naman namin siya sinabihan ah? Girl's bonding kaya namin 'to.

Tumayo siya sa tapat ng table namin pero sa iba siya nakatingin.

Sino bang tinitingnan niya?

"Oh Larry? Sinong tinitingnan mo?" Pagtatanong ni Ariana.

Nakita ko ang isang babaeng pamilyar sakin, saan ko nga ba siya nakita?

Akmang titingin na rin si Ariana sa tinitingnan ni Larry nang magsalita si Larry.

"Kayo ah, bakit di niyo ako sinabihan? Akala niyo di ko malalaman ah? Buti na lang pumunta ako kila Devi." Sabi naman ni Larry na ikinalingon ko.

"Bakit ka naman pumunta sa amin aber?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Wala, makikitambay lang naman, my cousins are in my house and they're inviting me to drink in the middle of the afternoon, hell no." Tuloy-tuloy niyang sabi.

Daming sinabi, tinanong lang naman.

"Uh-oh you just ruined our girl's bonding." Naiiling na sabi ni Ariana.

"Well, you can't do anything, it happened already." Nakangising sabi naman ni Larry at saka umupo.

Kumaway naman si Larry ng waiter para umorder.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon