Chapter Nine: Suitor

1.3K 39 1
                                    


Devi's POV

Napapakamot ulo na lang ako dahil sa mga pinagagagawa nila Ariana sa akin, eh paano inaayusan pa ako eh sanay naman ako na walang ayos sa tuwing may lakad kami.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang akma nila akong memakeupan.

"Arggghh! Tama na okay! Pumayag na akong magpaayos ng buhok at kayo na rin namili ng damit ko." Iritable kong sabi sa dalawang 'to.

Mga loka-loka 'to eh, sila nakalight makeup lang, tapos ako? Anong binabalak nila?

"Hayyyysss Devi! Light lang naman eh, kagaya ng samin." Kalmadong sabi ni Yoonri.

"And besides, si Yanny ang may pinakabonggang makeup satin for sure kasi kagagaling lang sa photo shoot." Pagdagdag naman ni Ariana sa sinabi ni Yoonri.

Sige na nga kahit lip shiner Lang, matahimik lang 'tong dalawang 'to.

"Sige! Basta lip shiner lang at pulbo." Pagkasabi ko nun ay nagpulbo na ako at nilagyan nila ako ng lip shiner.

"Nasaan na ba si Yanny? Si Larry? Ang tagal naman nila!" Napapailing na sabi ni Ariana.

Oo nga! Ang tagal nga niya, kanina pa kami di mapakali.

"Oh! Speaking of, nagtext sakin si Yanny at Larry didiretso na lang daw sila doon." Pagkasabi nun ni Ariana ay tumayo naman na kami at bumaba.

Sumakay na kami ng kotse at kotse ni Ariana ang gamit namin.

Pupunta kami sa The One's may imemeet kami dun, isang kaibigan na galing sa Australia.

Nag-online naman ako saglit sa Facebook.

May bago akong friend request? Pagkaclick ko ay nagitla naman ako. Teka? May friend request sakin si Nial!

"Oh? What's your problem?" Nagtatakang tanong sakin ni Yoonri at nakitingin naman sa phone ko si Ariana.

"Is it for real? Inadd ka ni Nial sa FB? Gosh! Stalk mo nga! Baka poser lang yan." Pagkasabi nun ni Ariana ay akmang pupunta na ako sa timeline ni Nial nang biglang hablutin ni Ariana yung phone.

Nakiusisa na rin si Yoonri dala ng kuryosidad.

"My Gosh! Fb account nga 'to ni Nial!" Gulat na sabi ni Ariana at Yoonri.

Bakit niya ako Inadd?

Seryoso ba siya sa sinabi niya sakin kanina?

Flashback:

"Teka? Saan ba tayo pupunta? Hindi naman ito ang direksyon papuntang office eh!" Nagtatakang sabi ko kay Nial.

Actually, kinakabahan nga ako eh! Bakit kaya?

Pumasok naman kami sa stock room na ipinagtaka ko, naalala ko tuloy yung ginawa sakin dito ng Flirt Girls Z.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Naglalakas-loob kong sabi.

"Listen, mabilis lang 'to okay? Just listen to me." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Nose bleed eh!

"Be mine." Kalmado niyang sabi.

Sus! Yun lang pala eh!

Teka? Ano?

"Ano?!" Nanlalaking mata kong sabi.

"I said be mine, by my girl." Kalmado niyang sabi.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon