Chapter Four: Meet Ariana

1.9K 59 2
                                    

Devi's POV

Nandito kami sa dagat ngayon, wow! Magsuswimming pala kami, di man lang ako nainform

Tapos ang hirap pang banggitin ng pangalan ng dagat na ito.
-______-

Pagkababa namin ay nanatili lang kaming nakatayo dito sa labas ng car.

Habang sila Manang Ate Arlyn naman ay abala sa paglalabas ng mga pagkain etc.

Aba! Iba na talaga ang ready!
#NotInformed

"Wala pa ba sila hon?" Narinig kong tanong ni mommy kay daddy.

"Oh, sakto they're here!" Pagkasabi ni daddy ay itinuro niya ang mga magkakasunod na kotse.

Apat na kotse?

Nagpark na isa-isa yung mga kotse at matapos non ay bumukas na yung black kotse at lumabas doon si Tita Alyanna at si Ariana?

Teka! Anong ginagagawa nila dito?

Sunod namang bumukas yung white na kotse at lumabas doon si Tito Alfredo, Tita Yunice, Kuya Yexel at Yanny.

Hala! Bakit nandito rin sila?

Baka magbobonding din?

Ay ewan!

Sa Gray na kotse ay lumabas si Tito Limuel, Tita Alice, Ate Lensey at Larry.

Lastly ay bumukas yung blue na kotse at di na ako magugulat kung family naman ni Yoonri ang susunod.

Tssss! So ako lang talaga ang hindi informed? Ano ba kasing meron?

#HindiInformed

"Happy Birthday kumpare!" Pagkasabi nun ni Tito Eugene ay niyakap niya si daddy.

Oh my God! Shocks! Nakalimutan ko na birthday nga pala ni daddy ngayon, kaya pala nag-aya siya.

Nakakahiya!

Hindi ko na talaga kailangan iinform kase dapat alam ko na talaga!

"Oh Devi? Anong pagmumukha yan?" Natawa naman si Larry sa sinabi ni Ariana.

Nasa harapan ko na pala sila, di ko lang napansin.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko sa kanila.

"Hahahahahahaha! Mukha ka kaseng ewan." Natatawang sabi ni Ariana.

Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to oh!

Kotongan ko kaya 'to? Ay! Di ko nga pala abot.

Kainis!

"Nakalimutan mo siguro na birthday ni Tito David ngayon noh?" Napapailing na sabi ni Yoonri.

Waaaaaah! Paano niya nalaman huhuhu! Ang hina kasi ng memorya ko eh!

"Let's go!" Narinig kong pag-aaya ni Daddy.

Huhuhu! Wala akong regalo! Paano na yan?!

Naglakad na kami papasok say isang resort.

Napag-alaman ko na nakapagreserve na pala kami doon.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon