Chapter Sixteen: Rainy Day

931 27 1
                                    


Devi's POV

Napapailing na tumingin ako sa bintana, hindi ko inaasahan na uulan ng malakas ngayon, palibhasa'y tirik na tirik ang araw kanina nung pumasok ako.

Maging ang mga classmates ko ay hindi rin makapag-focus sa lecture ng prof namin ngayon, which is about the proper putting of foods in the plate.

Oh diba? Napa-english ako dahil english din naman ang title ng lesson, mwehehehe!

"Class, don't focus on the rain, focus on our lecture because we'll be having a performance next meeting." Iritableng sabi ni Prof Magsayo.

Bakit ba kasi nakakawalang-gana yung ulan? Bakit ba kasi ayaw nilang takpan ng kurtina yung bintana?

Nakakaantok yung ulan pero gusto ko pa rin ito.

Gusto ka ba? Hahaysss.

Napalinga-linga naman ako dahil sa dami ng violent reactions ng mga classmates ko.

"Ano ba yan? Wala pa rin akong maintindihan eh."

"Ma'am, wag na po muna,please."

"Ang haba pa naman ng mga steps dun."

"Waaaaaaah! Oh no!"

"Yes! I'm so excited!"

"Finally, gagawin na natin yun!"

"Waaaaaaah! Makakapasok na tayo sa legendary kitchen!"

"Waaaaaaaaaaaah! Ang iingay!" Nagsitinginan naman sakin ang mga classmates ko at nag-peace sign naman ako.

Waaaaaaah! Bakit naisigaw ko yung dapat nasa isip ko lang?!

Nagbulungan naman ang iba, yung iba naman ay hindi lang ako pinansin at ang prof namin sa harapan ay halatang naiirita na sa amin.

"Quieeeeeet!" Pagsigaw naman ni Ms. Magsayo sa mga classmates ko, este samin pala hahaha.

"I know na tinatamad na kayo dahil sa umuulan at ang iba sa inyo ay nag-iisip ng suspension, but please patapusin niyo muna ako para alam niyo ang gagawin niyo next week." Nanahimik namang tumango na lang kami.

Kapansin-pansin ang katamlayan kay Ms. Magsayo, para siyang nanghihina. May sakit siguro si Ma'am.

Wow! Naisip mo yun Devi? May isip ka pala?

Napatingin naman ako sa tapat ng pintuan namin kung saan nakatayo si Nial.

Anong ginagawa niya diyan?

"Excuse me, Ma'am? Pinapatawag po kayo ni Dean Robles, may biglaang meeting daw po kayo." Pagkasabi nun ni Nial ay tumingin naman siya sakin at kumaway, kumaway rin naman ako sa kanya kaya ang mga classmates ko nagbubulungan na ngayon.

"Ang harot talaga."

"Haliparot kasi yang babaeng yan."

"Waaaaaaah! Ang gwapo ni Nial."

"Ang swerte ni Devi noh?

"Mayaman na nga, may Nial pa."

"Bagay naman sila ah."

"Hindi kaya."

"So, Ididismiss ko na ang class and I think ay vacant time niyo na." Sabi naman ni Prof Magsayo.

"Mr. Vice President of SSG, can you please stay here, pakibantayan na lang sila, thank you." Baling naman ni Prof M kay Nial at tumango naman ito saka pumasok na dito sa room namin.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon