Chapter Thirteen: Mr. Crush

1.1K 27 0
                                    

Ariana's POV

'I saw that guy,
Who stole my heart,
I looked in to the sky,
He brought me art.'

Habang pinagmamasdan ko siya, kakaibang ligaya ang hatid nito sa aking mga mata.

"Oh? Hi Ria!" at tumigil ang mundo, nang tawagin niya ako.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay ngumiti siya at nagngitian kami na parang kami lang ang tao dito sa mundo.

Nasira lang yung moment nang makita ko kung sino yung kasunod niya.

"Hey dude! Nanghuhunting ka nanaman ng--- Napatigil naman sa pagsasalita yung lalaki nang makita niya ako.

"Ikaw?!" Sigaw ko dun sa lalaki at tinuro ko pa siya.

Guess who? Yung lalaking nakaencounter ko lang naman sa beach. Bakit ba kailangan ko pa siya makita?

Arrrrrgggh! Kainis! Panira siya ng moment! Kapag nakikita ko talaga yung mukha niya, nag-iinit bigla yung dugo ko.

"Oh? Teka? Magkakilala na kayo?" Takang tanong naman samin ni Jerricho.

Oh yes! Siya lang naman ang kalbaryo sa buhay ko!

"I don't know her, dude and besides, ngayon ko pa lang siya nakita dito." Dire-diretsong pagtanggi naman nung lalaki.

Hah! Sinungaling!

As if naman na interesado rin akong kilalanin siya!

Kung sabagay, lasing nga pala siya nun at wala akong pake.

"Okay? Ah nga pala, Ria si Matthew nga pala, bestfriend ko."
Pagpapakilala naman sakin ni Jerricho sa kaibigan niya kaya napilitan naman akong ngumiti.

Hindi ako pwedeng mapahiya sa harapan ni Jerricho.

"Hi,Matthew." Tipid kong sabi kay Matthew.

Oo gwapo ka sana Matthew Kaya lang nakakainis ka!

"Matthew siya si Ariana, siya yung ikinukwento ko sayo na close friend ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Matthew siya si Ariana, siya yung ikinukwento ko sayo na close friend ko."

Ouch! Close friend lang! Pero, what? Ikinukwento? Wow! Okay, happy na ako ulit! Hihihi!

"Hi, Ariana! Nice meeting you." Nakangiting sabi sa akin ni Matthew at napatingin na lang ako sa kanya.

Gwapo rin naman pala siya, sadyang mainit lang talaga ang dugo ko sa kanya.

"By the way, Ria sa Fine Arts Department ka diba?" Biglang pagtatanong naman sakin ni Jerricho.

"Yes, why?" Pagsagot at pagtatanong ko naman sa kanya.

"Ahm, doon kasi ililipat si Matthew kasi nanalo siya sa Art Contest."

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon