Devi's POVAko nga pala si Devian Farah Fajardo, 19 years old, college student ako na nag-aaral ngayon sa Ellite University. (This school is not for rich only, meron ding mga middle class at mga scholar dito) Mayaman ang pamilya namin.
Hilig ko ang K-pop, anime at ang magbasa ng mga love story.
Nakakakilig talaga ang mga story na nababasa ko sa pocket book, ang saya talaga magbasa dito sa loob ng room.
Kagaya ngayon, nagbabasa ako at wala lang pakialam sa prof namin dahil hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.
Naglilipat ako ng page nang biglang may kung anong tumama sa ulo ko.
"Aray! Ano ba?!" Pasigaw kong sabi habang ang paningin ay nasa pocket book pa rin.
"Ms. Fajardo! Kakausapin ko ang mommy mo, I'll tell her that you're just reading pocket books in my class!" Nakapamaywang na sabi ni Sir Divina.
Hindi pwede 'to! Papagalitan ako ni mommy at baka makarating pa kay daddy!
Kung iniisip niyong bakla siya, pwes tama kayo.
"Stand up!" Utos niya sakin.
"Sir sorry po, sorry po talaga sir, ito po sir, sayo na po itong pocket book ko." Inabot ko naman sa kanya yung pocket book ko at pahablot niyang kinuha ito.
"Ms. Fajardo? Ano ito? Suhol?" Sarkastikong tanong niya sa akin.
Sinusuhulan ko ba siya? Hindi naman eh.
"Sir hindi po, peace offering po yan." Nakangusong sabi ko.
"Anong pinagkaiba non? Sige nga Ms. Fajardo? Kapag nasagot mo ang tanong ko ay absuwelto ka na." Napacross arm naman siya at nanghahamon ang ekspresiyon ng mukha niya.
Hala! Ano bang pinagkaiba non? Parehas lang naman yun diba?
Anong sasabihin ko! Ah alam ko na!
"Sir?"
BINABASA MO ANG
My Cute Size Girl
RomanceMeet Devian Farah Fajardo, "The Cute Size Girl". Mayaman, masayahin at maganda naman si Devian, hindi siya matalino kagaya ng mga kaibigan niya, hindi rin siya matangkad at dahil dun ay marami sa kanyang nanghahamak. Meet Joey Derrick Rycho Montecil...