Chapter Two: Long Hair Devi

2.9K 85 5
                                    


Devi's POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko.

6:00 am pa lang at 8:30 am pa ang start ng class namin ngayon, may 3 subjects lang kami ngayon.

Yaaaaaaaaaaaah! Good morning Philippines! Good morning world!

Patakbo akong pumunta sa cr at agad na binuksan ang shower.

Lalalalalala! Ang saya saya!

Pinansin na ako ni Nial!

Pinansin na ako ni Nial!

Pinansin na ako ni Nial!

Ilang minuto pa ay natapos na akong maligo, agad na nagbihis ako ng civilian dahil Friday na ngayon.

Tuwing Friday kase ay civilian talaga ang required na isuot namin.

Yaaaaaaaaaaaah! Nakakaexcite pumasok ngayon!

Mabilis at pakanta-kanta akong bumaba sa napakahabang hagdan namin.

"Good morning Ma'am Devian." Nakangiting bati sakin ng isa sa mga maid namin.

"Good morning." Nakangiting bati ko rin.

"Good morning Ma'am Devian!" Magkakasabay pang bati sakin ng lima pa.

"Good morning!" Nakangiting bati ko rin sa kanila.

Tatlong minuto pa akong naglakad hanggang sa makarating na rin ako sa dinning area.

Nakangiting sinalubong ako ni mommy habang si daddy ay nakaupo lang at nakangiti.

"Good morning princess." Sabay na bati sakin nila mommy and daddy.

"Good morning my love queen and king!" Masiglang bati ko sa kanila at saka ako umupo.

"Mukhang maganda ata ang gising ng prinsesa natin ah, anong meron?" Nagtataka ngunit nakangiting tanong ni daddy.

Hala! Anong sasabihin ko? Na pinansin ako ng crush ko? Pero di alam ni daddy na may crush ako kase 3 years siyang nawala.

Nag-vivideo chat naman kami lagi pero di ko nababanggit kay daddy.

"Wala naman po daddy, masaya lang po ako kase nandito na kayo at sana di na kayo magtagal sa ibang bansa." Dire-diretsong sabi ko pa.

"Wow! Ang sweet naman ng anak ko, don't worry princess magste-stay na ako dito sa Philippines." Nakangiting sabi ni daddy.

"Talaga David?!" Nakangiting tugon ni mommy.

"Oo Faith, si Daddy na muna daw ang aasikaso ng business sa Canada at ako naman ang aasikaso ng ilang mga businesses natin dito sa Pinas." Tugon ni daddy.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon