Joey's POVPagkalabas na pagkalabas ko ng CR ay bumungad na kaagad si nanay, kaliligo ko lang at share ko lang.
"Sige na anak, pumasok ka na kaya ko na, magaling na ako." Pagpupumilit sakin ni nanay na pumasok na sa school.
Nag-aalangan ako kung susunduin ko siya kasi baka magtrabaho na siya kahit kagagaling lang niya sa sakit. Madalas siyang nahihilo pero kagabi na lang siya ulit nagkalagnat.
"Kung inaalala mo ang kalagayan ko, ayos lang ako at magpapahinga na muna ako, hindi na muna ako maglalako." Pagkasabi niya nun ay napailing-iling naman ako.
Para talagang nakakabasa ng isip si nanay eh.
"Nay ang galing, may super powers ka pala eh." Kumunot naman ang noo niya nang sa sabihin ko yun.
"Anong super powers ka diyan?" Pagtatanong naman niya.
Ay slow si nanay, di nagets yung joke ko.
"Di ako slow." Pagkasabi nun ni nanay ay piningot na niya ang tenga ko.
"Agh! A-aray nay! Masakit po, masakit." Pagdaing ko naman.
"Eh kung nagbibihis ka na kaya? Malelate ka na oh." Ani nanay at saka niya binitawan na ang tenga ko.
Ako naman ay tumingin sa maliit naming orasan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na.
Hala lagot! Late na ako!
Eh kung sabagay, si bakla naman yung teacher namin sa first subject ngayon eh.
Pero lagot pa rin ako! Baka hindi ako papasukin ng gate!
Dali-daling kinuha ko ang uniporme ko at saka pumasok ulit ako ng cr para magbihis.
Pagkatapos magbihis ay inayos ko ang sarili ko at bago umalis ay nagpaalam ako kay nanay.
"Alis na po ako nay." Pagkasabi ko nun ay tumakbo na ako palabas ng bahay.
At saktong-sakto ang jeep na sinasakyan ko, agad na sumakay ako at nag-bayad.
"Manong, sa OU po." Pagkasabi ko nun ay iniyuko ko ang ulo ko kasi naman nauntog ako.
Ang hirap talaga kapag matangkad ka, kung pwede ko lang ipamigay ang height ko eh ipinamigay ko na eh.
Hahaha! Kailangan ni lampang pandak hahaha!
Ang sama ko ba? Biro lang naman eh, pero kung nakakapag-donate lang talaga ng height, ibinigay ko na sa kanya.
Kung tutuusin kahit di na siya tumangkad eh, cute cute niya kaya ahihihi.
Teka lang? Bakit ba pumasok siya sa isip ko? Height ko lang naman ang pinoproblema ko eh.
"Pogi! OU na 'to." Natauhan naman ako at nahihiyang tumingin kay Manong driver na nagpogi sign.
Okay! Ang weird hahaha!
Nahihiyang ngumiti naman ako at saka bumaba.
Akalain mo yun? Malelate na ako, tapos nagawa ko pang mag-isip.
Teka! Hala malelate na ako!
Dali-dali naman akong tumakbo at kamalasan may nabangga pa ako.
Buti hindi siya natumba.
"Naku! Sorry!" Pagkasabi ko naman nun ay humarap ang babae.
Tugdugtugdugtugdugtugdug
"Oh tall-- Joey! Muntik nanaman akong matumba ah." Hindi ko alam kung magmamime lang siya o ako lang talaga yung nagkakaganito.
BINABASA MO ANG
My Cute Size Girl
RomanceMeet Devian Farah Fajardo, "The Cute Size Girl". Mayaman, masayahin at maganda naman si Devian, hindi siya matalino kagaya ng mga kaibigan niya, hindi rin siya matangkad at dahil dun ay marami sa kanyang nanghahamak. Meet Joey Derrick Rycho Montecil...