Chapter Nineteen: Getting to know Nial

881 18 0
                                    


Devi's POV

Masiglang bumangon ako sa aking kama.

Good morning Universe!

Agad na naligo ako at nagbihis, nag-ayos din ako, di ko na rin sinuot yung headband ko.

Kinuha ko na rin ang bag ko at masigla akong naglalakad sa aming hagdan at hindi alintana ang haba nito.

Ewan ko ba kung bakit parang ang saya-saya ko.

Ayt! Nga pala! Bukas na ang 30th day, bukas ko na sasagutin si Nial, sana maging masaya siya kapag sinagot ko siya.

Nang tuluyan na nga akong makababa ay agad akong dumiretso sa dining room, napalingon sakin sila mommy at daddy.

"Good morning, princess." Magkasabay pa nilang sabi sakin at saka sila ngumiti.

"Good morning mommy, good morning daddy." Nakangiting sabi ko habang dumudulog sa table.

Nakaprepare naman na yung pagkain kaya kakainin na lang namin.

"Parang may iba sayo ngayon, dear." Pagpuna sakin ni mommy.

Ano naman kaya ang iba sakin ngayon? Parang wala naman eh.

"Po? Ano pong nag-iba mommy?" Nagtatakang tanong ko kasi nagtataka naman talaga ako.

"You're not wearing the headband that I gave you anymore." Nakapout na sabi ni mommy sakin.

"Ah ganon po ba? Sige po wait po kukunin ko lang po." Akmang tatayo na sana ako nang magsalita si mommy.

"No just sit there, you still look good because you're our daughter." Nginitian naman ako nila mommy at daddy at pagkatapos ng kaemehan naming yun ay nagpatuloy na kami sa pagkain, pagkatapos kong kumain ay hinatid na ako ni daddy sa school.

Oo! Si daddy ang naghatid sakin, marami kaming napagkwetuhan ni daddy, tinatanong niya rin kung saan ako nahihirapang subjects.

"Hey! Devi!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin.

Si Yanny pala, lumapit siya sakin at sabay kaming naglalakad.

"Wala pa ba sila Yoonri? O kanina pa sila nandito?" Pagtatanong niya sakin.

Oo nga pala! Hindi siya nag-online kanina kaya hindi niya nabasa yung nakalagay sa GC kanina.

"Nauna na sila, may meeting daw ang SSG eh." Pagsagot ko naman sa tanong niya.

"Ah okay." Pagkasabi niya nun ay tinitigan naman niya ako.

"Bakit?" Pagtatanong ko naman sa kanya.

"Bukas mo na sasagutin si Nial, diba?" Pilit ngiting sabi tanong sakin at tumango naman ako sa sinabi niya.

Mataman niya akong tiningnan at tinanguan niya ako.

Alam kong nag-aalangan sila sa desisyon ko pero alam naman nila na may plano talaga akong sagutin si Nial eh.

"I see, sana lang hindi ka niya saktan, sige mauuna na ako." Pagkasabi niya nun ay nauna na siyang maglakad sa akin.

Natitigilan naman akong sinundan siya ng tingin.

'I see, sana lang hindi ka niya saktan, sige mauuna na ako.'

Ano bang Ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Para siyang may gustong sabihin pero nag-aalangan siya.

Parang may alam siya, sila na hindi ko alam, ano ba talagang meron kay Nial at ganon na lang silang mag-react?

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon