Chapter Eleven: Meet Yoonri

1.2K 38 1
                                    


Devi's POV

Masigla akong pumasok sa gate ng school. Nakakamiss pumasok kasi tatlong araw akong hindi pinapasok ni mommy dahil sa binti at tuhod kong masakit.

Grabe sila mommy diba? Kaya yun tuloy, nabagot lang ako sa kwarto ko.

"Welcome back, Devi!" Masayang bati sakin ni Ariana at umakbay pa siya sa akin, nandito na rin pala sila Larry, Yanny at Yoonri na kasabay na namin ni Ariana ngayon.

"Kamusta na binti at tuhod mo? Masakit pa ba?" kaswal na tanong sakin ni Yoonri.

Yoonri! Omomoomoomomo! Daig pa talaga niya minsan ang family doctor namin sa pagtatanong niyang yan eh.

"Okay lang ako, okay na ako hihihi! Omomoomoomomo!" Natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ko.

Hindi naman nakakatawa eh! Pero natawa kami diba? Minsan talaga ang weird naming magkakaibigan, ganyan kami kasaya.

"Oh my G! My Larry is laughing."

"Waaaah! Ang gwapo niya talaga!"

"Balita ko, wala daw siyang girlfriend."

"I will apply!"

"Yanny, my loves!"

"Model ng buhay ko! Yanny!"

"Babe Yanny!"

"Ang ganda mo, Yanny!"

"Waaaaaaah! My kakaibabe! Ariana!"

"Can you swim with me, Ariana?!"

"You're so gorgeous, Ariana!"

"You're so pretty, Ariana!"

"Yoonri! My queen!"

"Marry me, Yoonri!"

"You're so beautiful, Yoonri!"

"Nasayo na ang lahat, Yoonri!"

Nagulat naman ako nang biglang may pumisil sa kanang pisngi ko, pagtingin ko ay nandoon na sa side ko si Nial.

Nagtaka naman ako nang biglang manahimik ang tao sa paligid, hindi na namin pinansin yun kasi natuwa pa nga sila Yoonri dahil dun.

Nagkahiwa-hiwalay na kami ng ruta dahil magkakaiba rin kami ng course.

Si Nial at Larry ay engineering ang kinuha, si Yanny ay nagMASCOM, si Ariana ay fine arts ang kinuha at si Yoonri naman ay Business Management ang kinuha.

At ako? Tinatanong niyo ba ang kinuha kong course?

Edi Culinary arts! Sige na! Malelate na ako eh.

Gaya ng sinabi ni Tall Guy ay nag-iingat na ako, friday na ngayon noh! Ngayon na nga lang ulit ako pumasok eh! Baka mapano nanaman ako.

"Hoy, Devi Lampa!" Nagulat naman ako nang biglang may sumigaw at kilala ko kung sino yung lalaking yun.

Si Tall Guy!

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Tall Guy na nakangisi, hindi ko nga lang makita ng buo ang expression niya dahil sa bangs niya.

Bakit ba kasi siya nakabangs? Nakakakita pa kaya siya sa lagay na yan?

Lumapit sakin si Tall Guy at ngayon ay sabay lang kaming maglakad.

"Kamusta ka, lampa?" Mapang-asar niyang tanong sakin.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon