Chapter Twenty seven: Blurry

230 24 12
                                    

Devi's POV

Sa mga nagdaang araw naging busy ang lahat dahil sa gaganaping programs at event, kaming magkakaibigan ay nakakapagsama lang tuwing break time. Maging si Tall Guy ay hindi ko na rin nakikita at aaminin ko na namiss ko ang presence niya.

Nakakatawang isipin lang na kung kailan vacant at walang ginagawa saka naman ako naboboringan sa buhay ko, samantalang dati masaya ako kapag ganito.

"Uhm excuse me, ikaw yung friend ni Joey right?" Napatingin naman ako sa nagtanong na si Athena na President ng Fashion Club.

FRIEND?

Yun lang nga pala kami o magkaibigan rin ba kami?

Hindi ko alam pero may parte ko ang tumututol na maging Friends lang kami ni Tall guy.

"Uhm, hey?" Nabalik naman ako sa reyalisasyon ng magsalita ulit ang magandang babae na nasa harapan ko ngayon.

"Ahh oo friends nga kami, bakit?" Kaswal na tanong ko lang na kahit ang totoo ay ayokong tanggapin ang katotohanang FRIENDS nga lang kami.

"Ah kasi may rehearsal sila mamayang 2 pm at hindi ko siya mahagilap, alam mo ba kung nasaan siya?" Hindi ko alam pero sa paraan ng pagtatanong niya ay parang isang girlfriend na alalang-alala.

Hmmm? Baka naman kasi malalagot siya kapag kulang ang mga magrerehearsal?

Ay ewan? Ano bang malay ko sa mga ganyan? Hahahahaha!

"Hindi ko nga rin alam eh, hindi ko rin siya nakikita nitong mga nakaraang araw." Pagsagot ko naman, which is totoo naman.

"Ah ganon ba? Sige if ever na makita mo siya pakiinform na lang siya ha?" Tumango na lang ako bilang tugon at siya naman ay umalis na.

"Hayyyyss pasulpot-sulpot talaga ang kabuteng iyon, paulit-ulit din." Gulat na napatingin ako sa may bench kung saan may parang nagtatago.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang nakahoodie na matangkad na lalaki.

"Tall guy." Nasambit ko.

"Ikaw pala Devi." Malamig na tonong sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko, hindi ako sanay na ganito. Lampa ang tawag niya sakin at masigla siya pero ngayon parang hindi niya ako kilala.

Naguguluhang nakatingin ako sa kanya na malalim naman ang tingin sa akin.

"Mauuna na ako." Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at naglakad.

Nakakadalawang hakbang pa lang siya nang biglang lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Mag-iingat ka palagi, wag ka nang lalampa-lampa." Hindi pa man ako nakasagot sa sinabi niya ay agad na siyang umalis sa harapan ko at naiwan akong nakatulala.

Naguguluhan ako sa inakto niya, bakit ganon? Nagsasawa na ata siyang iligtas ako eh.

Kailan ba ako hindi naguluhan sa mga bagay-bagay?

*****

Katatapos lang ng klase namin na lutang ako, lutang pa rin ako hanggang ngayon dahil sa inakto ni Tall guy kanina at ngayon di ko nanaman siya makita. Last sub na namin para sa araw na ito pero vacant nanaman kaya ang iba nagsiuwian at ako naman ay naglalaboy pa sa quadrangle.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon