Chapter Twenty-eight: Secret Garden

414 28 25
                                    

Devi's POV

"Farah." Pilit kong hinahanap kung saan nagmula ang pamilyar na boses na naririnig ko.

"Nasaan ka?!" Sigaw ko sa kung sino.

Nakakapagtaka naman na nasa isang madilim ngunit napakalawak at magandang garden ako ngayon. Nakasuot din ako ng dress na mahaba

"Farah, nandito na ulit ako, nagbalik na ako. Matutupad ko na yung pangako ko sayong magpapakasal tayo." Sambit niya ulit.

Pamilyar sakin ang boses pero hindi ko matukoy kung sino siya.

"Nasaan ka?" Pag-uulit ko.

"Lumingon ka sa likuran mo, makikita mo ako." Sinunod ko naman ang sinabi niya at nagulat ako dahil dalawang hakbang lang ang layo namin.

Ay kaloka ha? Todo lingon pa ako sa kung saan kanina nasa likuran ko lang pala, teka sino ba ito?

Hindi ko makita ng buo yung mukha niya dahil natatakpan ng maskara at isa pa, nakasuot din siya ng pormal kagaya ko.

Teka nga? Anong okasyon ngayon? Bakit di ko alam? At bakit nandito kami sa madilim na garden?

"Anong meron? Sino ka ba?" Nagtatakang tanong ko dahil kataka-taka naman talaga.

"Nawala lang ako ng ilang taon nakalimutan mo na ako?" Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Eh teka? Mahirap ba talagang sabihin kung sino ka? Papahirapan mo pa ang utak kong mahirap eh." Napapapout kong sabi.

Kung si Yoonri matalas ang memory, ako mapurol, sad life.

"Ako 'to, yung taong nakatakdang pakakasalan mo." Mahinahon ngunit may bahid ng lungkot niyang sabi.

Ay hala! Nakaarrange marriage ako? Hala! Oh my gulaaaaay!

"Ako 'to si Derder." Hinawakan niya ang maskara niya, hudyat na tatanggalin niya ito nang biglang----

Kriiiing! Kriiiiing! Kriiiiiiing!

Naalimpungatang bumangon ako ng bahagya ngunit nahilo ako sa ginawa ko.

"Bubuhatin na sana kita para maisakay sa sasakyan niyo, kaya lang nagising ka na." Napatingin naman ako sa nagsalita at saka ko lang naalala ang mga nangyari kanina.

At yung mga kapabebehan ko ay panaginip lang pala, panaginip nanaman Derder? Kailan ka pa ba babalik?

Pero kasal?

Bahagya akong napatingin sa matangkad na lalaking nakasandal ngayon sa puno, habang ako ay nakahiga sa isang kumot at unan?

Sandali? Saan galing itong mga to? At nasaan kami?

Napalinga-linga ako sa paligid at nagulat sa nakita dahil kaparehong-kapareho ng lugar na ito ang nasa panaginip ko.

"Nasaan tayo tall guy?" Tanong ko sa kanya ngunit di siya sumagot dahil may kausap siya at ang matindi pa?

Gamit niya ang cellphone ko!

"Nagising na siya pare, ihahatid ko na lang siya diyan sa inyo----

----Hawak niyo naman na yung mga gamit niya diba? Oh sige na ibababa ko na"

Sinong kausap niya?

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon