Devi's POV
Kasalukuyan kaming nakikipagsiksikan sa maraming tao, este mga babae.
Ano ba Devi?! Tao pa rin sila!
Ano bang meron dito? Bakit nagsisiksikan sila? Bakit ako nakikisiksik?
"Look! Kinakausap niya si Ms. Athena oh!"
"Oh my g!"
"May gusto siya kay Athena?!"
"I thought he's mine!"
Ay! Wow ah! Ang feeling naman ni ate, pero sino bang pinag-uusapan nila na may gusto kay Athena?
Oo kilala ko si Athena! Suki siya ng mga fan clubs.
"You look so beautiful."
Nanahimik ang kaninang maiingay na mga babae.
Huh? Si Larry yun ah! May gusto siya kay Athena?
Nagkatinginan naman kami ni Yanny na nasa tabi ko na ngayon.
Shocks! Kagulat ah!
"You look so beautiful in white! And from now and my very last breathe is the day I'll cherish, you look so beautiful in white! I'm just singing girls." Pagpapaliwanag niya pagkatapos kumanta.
Anong trip niya? Lakas ng tama eh! Bigyan ng jacket yan!
"Thank god! Akala ko naman he likes her na!"
"Akala ko may kaagaw na ako!"
"Huhuhu Larry! Wag mo kaming ipagpapalit!"
"I love you Larry! Akin ka lang!"
Muling nabuhayan ng loob ang mga fan girls ni Larry, hayyyysss! Fan girls nga naman! Walang kaawat-awat.
Tuluyan na naming nilapitan ang pinagkakaguluhang si Larry.
"Look! Si Ms. Yanny Solidad oh!"
"Ang ganda niya talaga!"
"Girls! Padaanin niyo sila!"
"I wish I could be like her."
"Oh! She's with the little one."
"Siya yung girl na maswerteng nahawakan yung kamay ni Nial!"
Bakit kaya lagi na lang ganito yung scenario? Nakakaloka ah.
Nang makalapit kami kay Larry ay dali-dali naman kaming umalis.
Nang makalayo-layo kami sa mga FAN GIRLS ni Larry ay saka na nagtanong si Yanny kay Larry.
"Anong eksena yun? Hahaha!" Natatawang tanong ni Yanny kay Larry na naka kunot ang noo.
BINABASA MO ANG
My Cute Size Girl
RomanceMeet Devian Farah Fajardo, "The Cute Size Girl". Mayaman, masayahin at maganda naman si Devian, hindi siya matalino kagaya ng mga kaibigan niya, hindi rin siya matangkad at dahil dun ay marami sa kanyang nanghahamak. Meet Joey Derrick Rycho Montecil...