Chapter Twelve: Montecillo

1.1K 33 2
                                    

Joey's POV

"Manong, para ho." Pagkasabi ko nun ay agad akong bumaba ng jeep at dire-diretsong pumasok sa gate ng aming school.

Palinga-linga ako habang naglalakad ako papunta sa Engineering Building, may nakakita na ng mukha ko at ang mas malupit pa ay isang baklush pa.

Susme! Kailangan ko mag-ingat baka mayari ako sa baklang yun eh.

"Oh, pre? Anong nililinga-linga mo diyan?" Nagitla naman ako dahil sa biglaang pagsasalita ni Manny.

Lagi na lang siya ganyan, bigla-bigla na lang magsasalita at magugulat ka talaga. Mahirap mahulaan kung anong gagawin o sasabihin niya.

Nakakapagtaka naman ang biglang pagdami ng tao dito ngayon, ang ayos nila at parang may dadaan na maharlika o di kaya parang may babagsak na anghel mula sa langit dahil sa katahimikan nila.

Anong meron? Nalingat lang ako saglit at may ganyan na.

Kagagawan nanaman ba ito ni Gerero? Pero kasi pag nandyan si Larry biglang iingay.

So sino naman ang anghel kuno na dadaan?

"Uy pre! Tingnan mo oh, nandito pala ang anak ng owner ng school natin, si Ms. Steffie Montecillo! Ang ganda talaga niya eh noh, nakakabighani talagang tunay." Natigilan naman ako sa sinabi ni Manny.

Isa siyang Montecillo? Katulad ko? Pero baka nagkataon lang at magkaapilyedo lang naman kami.

"Uy pre! Ang ganda niya diba?! Magsalita ka naman." Pagkasabi nun ni Manny ay pinasadahan ko naman ng tingin ang babae.

May katangkaran siya, maganda ang kutis, halatang nagmula sa mayamang pamilya, mapungay ang mga mata ni tila matutunaw ka sa ganda kapag tumingin, pinkish ang labi at pointed ang ilong, in short maganda nga siya. Isama pa ang magandang hubog ng katawan nito.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nakilala ko na siya dati at ang gaan ng loob ko sa kanya.

Napailing na lamang ako sa isiping iyon, wala lang 'to! Nagkakaganito lang siguro ako dahil magkapareho kami ng apilyedo, tapos--- Ah basta, wala lang 'to.

"Hoy, pre! Type mo ba siya? Mas matanda kaya siya satin ng tatlong taon, pero crush ko pa rin siya." Napailing ako sa sinabi niya.

Ano bang nasa isip niya? Hindi niya na pansin na magkaapilyedo kami? At maaaring related kami.

"Hindi ko siya type baliw, napapaisip lang ako kasi magkaapilyedo kami." Naningkit naman ang mga mata ni Manny sa sinabi kong yun.

"Oo nga noh! Baka malayong kamag-anak mo siya?" Napaisip ako sa sinabi niya.

Baka nga, pero mayaman siya at ako mahirap lang, paano kami naging magkamag-anak kung sobrang yaman niya at ako mahirap lang? Ako na todo racket para lang kumita ng pera upang matustusan ang pangangailangan namin ni nanay.

Siguro kung may tatay ako, mas magiging maayos ang buhay namin ni nanay.

Hindi ako galit sa tatay ko, yun ang totoo. Minsan nangungulila rin ako sa kanya na lingid sa kaalaman ni nanay, ayoko siyang pag-alalahanin.

Ang masaklap pa nga ay apilyedo lang ang alam ko tungkol sa kanya kaya sadly, I don't know how to find him.

"Hoy, pre?!" Natauhan naman ako nang tawagin ako ni Manny.

"Ah eh, mukhang malabong kamag-anak ko yan, kita mo naman diba? Mayaman yan." Pailing-iling kong sabi sa kanya.

"Malay mo lang naman diba, pre? Montecillo ka rin eh." Pagkasabi nun ni Manny ay napatingin samin ang ngayon ay lilihis na samin na si Ms. Steffie.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon