Chapter Twenty Six: Joey's Decision

1.4K 37 25
                                    


Joey's POV

Mumulat na sana ako nang makaramdam ng sakit ng ulo.

Aray ang sakit! Ano nga bang nangyari?

Flashback:

"Nice! Dalawa ang panlaban ng engineering!"

"Pinili lang naman siya ng school owner."

"Dati ring Campus heartthrob ang school owner."

"Ako lang ba?" Nakuha naman ang atensyon ko ng kaklase kong si Nina.

"Ang ano?" Pagtatanong naman ni Alyssa.

"Ang nakapansing kahawig ni Joey ang school owner?" Napahinto naman ako sa pag-upo.

"And it's so weird na magkaapilyedo sila." Pagpapatuloy niya pa.

Bigla namang sumakit yung ulo ko.

Kaya't lumabas naman ako at nakasalubong ko pa sa labas ang prof namin.

"Oh? Mr. Montecillo? Where are you going?" Pagtatanong niya sakin.

"Can I go to the cr, sir?" Pagtatanong ko rin habang himas-hinihimas-himas yung noo ko.

"Hmmmp, go ahead." Pagkasabi niya nun ay agad akong naglakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may eksenang nagflash sa isip ko.

Habang papalapit ako ng papalapit sa cr ay lalo akong nahihilo at kung  anu-ano pang mga senaryo ang nagpaflashback sa isip ko.

Nakaramdam naman ako ng pandidilim ng paligid bago ako natumba.

End of Flashback

Gagalaw sana ako nang makarinig ako na may lalapit sakin, ewan ko pero parang natigilan ako.

"Di ko alam kung ano ba ang gusto ng tadhana." Lumakas naman ang kabog ng puso ko nang marinig ko yun at sa katotohanan na si Devi ang nagsasalita ngayon.

"Nakapagtataka lang na sa tuwing nasa panganib ako ay lagi kang nandiyan."

Hindi ko rin alam kung bakit ganon eh.

"Ang kulit naman ng tadhana."

Oo kasing kulit mo.

"Parang matagal na kahit kakikilala pa lang natin."

Oo nga eh, di ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko eh.

"O sadyang mabilis lang ang panahon?"

Siguro nga.

"Napakabilis nga ng panahon---

----napakabilis ko ring nahulog sayo." Lalo akong natigilan at pigil hiningang nakinig sa kanya.

Ako hindi ako sigurado at ayokong umasa ka sakin.

"Hayyyyyyys! Ewan! Buset ka talaga tall guy! Bakit ba kasi ang gwapo mo? Yan tuloy ang dami kong kaagaw sayo."

Hindi ko rin alam eh hahaha!

"Sana di ka na lang nagpagupit eh."

Ayaw mo ba?

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon