Chapter Fourteen: Your name

1K 27 2
                                    


Devi's POV

Tahimik lang ako habang nakikinig sa lesson namin ngayon, hindi ko kasi magets eh, bukod dun ay lumilipad din ang isip ko dahil kay Nial.

Flashback:

"So, tara na?" Pagtatanong naman samin ni Nial at tumango naman yung dalawa.

Nagpatuloy naman kaming apat sa paglalakad, sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay bigla akong tinawag ni Nial.

"Devi?" Patanong na sabi ni Nial.

"Hmmmm? Ano yun?" Pagtatanong ko rin sa kanya.

"May sasabihin ako sayo." Ani Nial.

"Ano yun?" Pag-uulit ko ulit ng tanong ko kanina.

Di ako masyadong nagsasalita kasi nahihiya ako kay Nial.

"Ahm, Devian? I really really like you." Lumakas ang tilian ng mga tao sa paligid.

Hihihi! Nahihiya ako at saka kasama kaya namin mga kaibigan ko.

Nagulat naman ako sa pagdating ng mga kaibigan ni Nial na nakapila at isa-isang ibinigay sakin ang bracelet, cute size bear at 3 pink roses.

Favorite ko yung red roses eh pero keri na 'tong pink, yieee kinikilig talaga ako.

"Did you liked it?" Nakangiting sabi niya sakin at tumango-tango naman ako.

"I promise pag naging tayo ay araw-araw kitang liligawan." Nakangiting sabi ni Nial kaya lumakas nanaman ang hiyawan ng mga tao.

"Sana lahaaaaat!"

"That girl is so lucky!"

"Kyaaaaaaah! Ang sweeeeeeet!"

Waaaaaaaaaah! She's so lucky!"

"How to be her ba?"

"Ang sweet ni Nial!"

"Waaaahh! Ang cute niya!"

"Hindi sila bagay, mas bagay kami."

"Like duh, hindi talaga."

"Ahm, Devi? Are you okay? Wala ka bang sasabihin?" Ani Nial.

"Ah eh, oo nagustuhan ko talaga, ahm salamat." Pagkasabi niya nun ay ngumiti siya at tinitigan niya ako na para bang may iniisip siya.

Nakaramdam yata siya ng ilang kaya nag-iwas na siya ng tingin.

Ang gwapo talaga niyang nilalang eh, tama nga sila na ang swerte-swerte ko.

End of Flashback

21 days pa lang siyang nanliligaw pero parang gusto ko na siyang sagutin.

Ano kasi, ang sweet at caring kasi niya eh, dahil rin sa kanya ay tinigilan na ako ng Flirt Girls Z at isa pa dati na rin naman akong may gusto sa kanya.

Hayssss pero may kakaibang feeling kasi ako eh hayyysss.

Desidido na ako, sasagutin ko siya sa ika-30th day niyang panliligaw sakin, para saktong 1 month.

Oo! Tama, ganun na lang ang gagawin ko.

"Ms. Fajardo? Are you listening?" Nagitla naman ako nang magsalita si Mr. Raymundo at maging ang mga kaklase ko ay nakatutok na rin ang paningin sakin, yung iba pa nga ay nagbubulungan.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon