A/N: This Chapter contains Joey's POV and her mother's side. Uunahin ko muna ang side ng mudra niya na si Diana.Third person's POV
Nang buksan ni Diana ang pintuan ng kanilang bahay ay agad itong pumasok at umupo, nakararamdam nanaman siya ng pagkahilo na palagi na lang nangyayari simula pa lang noong bata pa ang kanyang anak.
Napatingin ito sa larawan ng kanyang anak sa ding-ding, pinag-iisipan niya kung sasabihihin niya ang natuklasan natuklasan o hindi.
Hindi ito nahihilo dahil sa pagod o sa kung anong iniisip na dahilan ng kanyang anak, lingid sa kaalaman nito ang mga napapanaginipan niya at naaalala niya.
(A/N: Naalala niyo ba yung Chapter 3 na nahilo yung mother lily ni Joey? Konektado yun dito, okay share ko lang.)
Nahihilo siya dahil sa mga alaala na gabi-gabi ding laman ng kanyang mga panaginip.
Alam niya ang pangalan niya at maging ang pangalan ng anak niya, may mga ilang alaala ang natira sa kanya ngunit malaking bahagi ng kanyang alaala ang nawala.
Naikwento na rin niya ito sa kaibigan niyang doctor at sinabing accident trauma ang cause ng nangyayari sa kanya.
Memory Flashback:
Masaya ang isang pamilya habang naglalakad sa buhanginan sa isang dalampasigan, nakangiti at magkaakbay ang mag-asawa habang hawak din nila ng magkabila ang dalawang bata na babae at lalaki.
Napahinto ang mag-anak nang masilayan ang paglubog ng araw.
"Wow, mommy! Sunset is really beautiful!" Masiglang sabi ng batang babae na nagnining pa ang mata dahil sa pagkagalak.
Tahimik lang ang batang lalaki na may edad na pitong taon, ngunit mababakas naman na nag-eenjoy din siya sa nakikita.
"Did you liked it, Steffie?" Nakangiting tanong ni Diana sa bata.
"Yes mommy! I love it! I want to watch sunset again next time!" Masiglang sagot ng bata sa kanyang ina at nagkatinginan naman sila ng matikas at gwapong lalaki, ang kanyang asawa.
Inakbayan niya ito bago magsalita.
"I'm so happy, Diana." Mild ngunit masaya niyang sabi.
"Masaya rin naman ako at ang mga anak natin Joseph, pinasaya mo kami sa kaarawan ko." Masaya kong sabi.
Pagkatapos maglakad-lakad ay pumunta na sila sa pagmamay-ari nila mismong private house, pagkapasok pa lamang nila ay namutla na si Steffie at kasabay nito ang paghinga ng paghinga na tila naghahabol ng hininga, kasabay ng pagbuhat ni Joseph kay Steffie ang pagtunog ng telepono. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan siya at tila may nagtulak sa kanya para sagutin ang tawag.
"H-hello?" Kabadong panimula ni Diana.
"H-hello, ma'am?" Sabi ng nasa kabilang linya na kasambahay ni ng kanyang ina.
"Oh bakit ka napatawag? May nangyari ba?" Tugon nito sa nasa kabilang linya.
May masama siyang pakiramdam na parang may hindi magandang nangyayari.
"Ah eh ang mama niyo po kasi---
"Anong nangyari kay mama?" Kinakabahan nitong sabi.
Ilang segundo ang lumipas bago magsalitang muli ang nasa kabilang linya.
"Hindi na po siya gumigising."
BINABASA MO ANG
My Cute Size Girl
RomanceMeet Devian Farah Fajardo, "The Cute Size Girl". Mayaman, masayahin at maganda naman si Devian, hindi siya matalino kagaya ng mga kaibigan niya, hindi rin siya matangkad at dahil dun ay marami sa kanyang nanghahamak. Meet Joey Derrick Rycho Montecil...