(A/N: Maikling POV muna ni Joey)
Joey's POV
"Oh Joey! Galing racket?" Pasigaw na tanong ng kapit-bahay at kaibigan kong si Roman.
"Oo eh, nga pala si nanay ba umuwi na?" Pagtatanong ko naman.
"Hindi pa pre eh." Pagsagot niya.
"Ah sige salamat pre, pasok na ako." Pagkasabi ko nun ay agad na pumasok ako sa munting bahay namin at agad na dumiretso sa kusina.
Maghahapon na ah, Wala pa rin si nanay.
Hindi malaki at hindi kalakihan lang ang bahay namin, ngunit tama lang ito dahil dalawa lang kami ni nanay dito.
Ako si Joey Derrick Rycho Montecillo, isang simpleng tao, college na ako at malapit ng grumaduate.
Sa awa ng diyos ay scholar ako sa isang mataas at maganda na paaralan.
Napatingin ako sa ulam na nakalagay sa mesa.
Tuyo ulit ang ulam namin, pero masaya na kami para sa mumunting pagkain na ito.
Inilapag ko na rin sa mesa ang tatlong kahon ng spaghetti na galing sa racket ko.
Mula umaga, hanggang hapon ay ginugugol ko ang oras ko sa pag-aaral.
Paminsan-minsan ay tumatanggap ako ng racket sa gabi, especially ngayong weekend dahil wala naman pasok.
Nag-iisang anak lang ako ng nanay ko, yung tatay ko?
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit hindi sakin sinasabi ni nanay ang tungkol sa kanya at kapag tinatanong ko ang hitsura niya ay hindi niya masagot at parang nalulungkot siya.
Nagtitinda ng gulay sa palengke ang nanay ko.
Wag na nating pahabain pa ang usapan.
MAHIRAP LANG KAMI.
Ang pag-aaral ko ay pinagtutulungan namin ni nanay.
"Oh anak, nandito ka na pala." Sabi ni nanay na kapapasok pa lamang sa munti naming bahay.
Napansin ko na namumutla siya.
"Nay, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Ayos lang ako anak, teka! Kumain ka na." Kumuha siya ng pinggan at ipinaghain ako.
Uupo pa lang sana siya nang bigla siyang napahawak sa noo niya.
Akmang matutumba siya pero sinalo ko kaagad siya.
"Nay!"
Di na ako nagpaligoy-ligoy pa at binuhat ko na si nanay.
Dadalhin ko siya sa malapit na clinic dito.
BINABASA MO ANG
My Cute Size Girl
RomanceMeet Devian Farah Fajardo, "The Cute Size Girl". Mayaman, masayahin at maganda naman si Devian, hindi siya matalino kagaya ng mga kaibigan niya, hindi rin siya matangkad at dahil dun ay marami sa kanyang nanghahamak. Meet Joey Derrick Rycho Montecil...