Chapter Twenty Two: School Owner

841 22 5
                                    

Dedicated to: JoenesaDeocampo na nangungulit para sa chapter na 'to

Devi's POV

Isang mandang umaga ang bumungad sakin, hindi ko rin alam kung bakit hindi ako masyadong naapektuhan sa nangyari, napabuntong-hininga naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Sa di kalayuan ay nakita ko sila Yoonri na magkakasama na.

"Devi! Come here!" Pagtawag sakin ni Yanny kaya naman dali-dali akong lumapit sa kanila at nang makalapit ako ay pinitik ni Larry ang noo ko.

"Balak mo bang magpalate? Para kang naglalakad sa buwan ah." Pag-sermon ni Larry.

Nakabusangot na lamang ako, ang aga-aga nanenermon. 😑

"Maaga pa para malate ako." Kaswal kong sabi kaya naman nakatanggap ako ng kotong mula kay Larry.

Aamba na sana ako para gantihan siya pero naalala ko na di ko nga pala siya abot. 😂

"Ang aga-aga ang ingay-ingay niyo." Pagsabat naman ni Ariana kaya napalingon kami sa kanya.

"Ekkk! What's with your faces guys?" Natatawang sabi ni Yoonri at nakitawa na rin naman si Yanny.

Nagtinginan naman kaming tatlo na pinagtatawanan nila, at dahil nga sa nakakahawa ang tawa ni Yanny ay natawa na rin ako hanggang sa nakitawa na rin yung dalawa.

Oh diba? Baliw nga kami! Hahahaha!

Saktong pagtigil ko sa pagtawa ay nagtama naman ang paningin namin ng isang matangkad na lalaki na bagong gupit.

Si tall--- este si Joey pala, wala na ang mahaba niyang buhok at bangs, umaliwalas na ang kanyang hitsura at masasabi kong napakagwapo niya kaya naman siya ang pinagtitinginan at pinag-uusapan ng mga babae ngayon.

"Oh my god! Who's that guy?"

"He looks familiar to me."

"He's so handsome!"

"I think I like him na."

"Waaaaaah! He's very attractive!"

"OMG! He's that guy!"

"Yung hero ni Ms. Little!"

"I badly want to know his name!"

"Waaaaaaah!"

Lalakad na sana papalapit sa kanya yung mga girls nang tumakbo siya at kamalasan nga naman at sa direksyon namin siya gumawi at ang loko, nagtago sa likuran ko! Katabi niya pa si Larry.

"Oh? Montecillo! Nice look!" Kumindat pa si Larry at itinuro si Joey na akmang pabaril na kamay.

Abnormal amp! Nabading na ata.

"Susme! Gerero! Yung mga fangirls mo hinahabol ako." Pagkasabi nun ni Joey ay itinuro niya ang kumpulan ng mga kababaihan.

Omomoomoomomo! Daming isda ah! Daming nabingwit.

Gwapo kasi. Napailing na lang ako sa biglang pumasok sa isip ko.
Ano ba Devi?! Ngayon lang nakakita ng gwapo? Ha? Ngayon lang?

Lihim naman akong napaligon sa taong nasa likuran ko, napako ang paningin ko sa kanya at napapalunok na ibinalik ko ang tingin sa mga kababaihan.

Omomoomoomomo! Ang gwapo niya eh, nasobrahan naman ata.

"Bakit siya nagtatago sa likuran ni Ms. Little?"

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon