Chapter Twenty: The Truth

969 29 5
                                    


Devi's POV

Napakaganda ng sikat ng araw ngayon na tila ba umaakma sa mga mangyayari, sumasabay sa ngiti mula sa aking mga labi.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa malawak na quadrangle ng university namin.

"Good morning." Nilingon ko sa gilid ko ang kung sinomang bumati sakin.

Si Yanny, akala ko hindi niya rin ako papansinin kagaya ng pag-seen nila Larry sa message ko sa GC namin kagabi, si Yanny naman ay hindi mahilig mag-online.

"Good morning, akala ko galit ka rin sakin eh." Sabi ko na nag-aalangan.

"Bakit naman ako magagalit? At saka, yung tatlo? Galit sayo? Hindi yan, nagtatampo lang yung mga yun kasi di mo sila pinapakinggan." Dire-diretso niyang sabi.

Ang positive niya talagang tao at ang mature niya, siya ang pinakaate namin.

"Bakit ba kasi ayaw nila sabihin kung bakit ayaw nila yung desisyon ko?" Naka-pout kong sabi.

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako, tumingin muna siya sakin ng seryoso bago magsalita.

"May mga bagay na dapat itinatago para sa pinoprotektahan mong tao." Seryoso niyang sabi na nagpagulo sa isip ko.

Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit ba nilalaliman niya pa at hindi diretsuhin? Kasi hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan.

"Oh, don't mind what I've said, but can I ask you a favor?" Pagtatanong niya at tumango-tango naman ako.

"Don't get hurt." Seryosong sabi niya pero ngumiti rin siya sakin ng slight at saka kami nagpatuloy maglakad.

Tinahak na namin ang landas na puno ng tagahanga nila.

"Waaaaaaah! Yanny!"

"Yanny, my queen!"

"Ang ganda ni Yanny!"

"I'm your number 1 fan, Yanny!"

"Waaaaaaaaah!"

"Yannnnny!"

"Ate Yanny, idol po kita!"

Habang naglalakad kami ay bumulong sakin si Yanny.

"Kaloka, ang dami nila, paano tayo makakatakas dito?" Pagtatanong niya naman sakin.

Hmmmm, kapansin-pansin na puro fan girls lang ang nandito.

Ah alam ko na!

"Si Larry kasunod natin!" Malakas na sigaw ko kaya naman naging aligaga ang mga kababaihan na nakapalibot samin.

"Saan?!"

"Waaaaaah! Si Larry!"

"Kyaaaaaaaaaaaah!"

"Larry my loves?!"

"Waaaaaaaaaah!"

Nang umalis ang kumpulan samin ay agad naman kaming tumakbo ni Yanny at napagdesisyunan na naming maghiwalay dahil magkakaiba kami ng building.

Nakasalubong ko pa si Queen Flirt na nagpupunas ng luha at nang makita niya ako ay sinamaan niya ako ng tingin.

Ano bang problema nanaman niya sakin?

Nagkibit-balikat na nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng room namin ay akmang papasok na ako nang may humila sa braso ko.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon