Devi's POV
Naiiyak na lang ako dahil bukod sa mga pasa na inabot ko ay nakakulong ako ngayon sa madilim at masikip na Stock room na ito.
Mainit dito at pwede kang hikain dahil sa kapal ng alikhabok.
Bakit ba nila ginawa sakin 'to? Wala naman akong ginawang masama sa kanila ah.
Flashback:
Nakatingin ako sa salamin ng cr habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
Oo nagsusuklay ako, masama ba? Syempre magulo na ang buhok ko!
"Hay naku! Ang hirap kasi sa iba diyan nagmamaganda!" Narinig kong sabi ng isa sa kakapasok lang na babae, Oo isang grupo sila at guess what? Grupo lang naman ni Queen Flirt ang kakapasok lang ngayon.
Si Queen Flirt ay si Chary Salazar.
"Feeling mahaba ang hair amp Hahaha!" Sabi pa ng isa.
Hala! Ako ba yung pinaparinggan nila? Bakit naman? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah!
"Haba ng hair ah! Tinatablan pa ba ng suklay yan girl? Maawa ka sa suklay, masyado mo naman atang tinotorture?" Mapang-asar na sabi ni Ms. Flirt.
"Anong problema niyo?" Pagtatanong ko dahil hindi na talaga ako makatiis sa ginagawa nila ngayon.
"Problema namin?" Natatawang tanong nung isa sa mga alalay ni Queen Flirt.
"Problema namin ang isang aso." Maarteng sabi nung isa at saka pasimple siyang tumingin sakin.
Aso? Aso lang pala? Eh bakit ako pinagbubuntungan nila?
"Ahm, can you help us to find that dog?" Sa nakikiusap na tono ni Queen Flirt.
Eeekkkk? Tutulungan ko ba sila?
"Ah eh ano kasi eh---
"Don't tell me tatanggihan mo kami?"
Nagugulatan niyang sabi.Paano na 'to? Bakit naman kasi ako ang hinihingian nila ng tulong, mukha ba akong tagahanap ng nawawala? Kagigil.
"Ah eh sige tutulungan ko na kayo."
"So tara na, let's find the doggie na." Maarte niyang sabi.
Hindi ko alam ah, bakit niya pa hahanapin yung aso kung nandidiri rin naman siya?
Sunod-sunod silang lumabas at ako naman ay sumunod na lang sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit nakararamdam ako ng hindi maganda.
Tuloy-tuloy lang silang maglakad at hindi mababakas sa kanila ang paghahanap.
"Teka? Hindi man lang ba kayo maghihiwalay para mahanap yung aso?" Hindi makatiis na tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Cute Size Girl
RomanceMeet Devian Farah Fajardo, "The Cute Size Girl". Mayaman, masayahin at maganda naman si Devian, hindi siya matalino kagaya ng mga kaibigan niya, hindi rin siya matangkad at dahil dun ay marami sa kanyang nanghahamak. Meet Joey Derrick Rycho Montecil...