Chapter Ten: Ms. Lampa

1.2K 38 2
                                    

Devi's POV

Napakagat ako sa daliri ko nang iabot sakin ni Nial ang isang bouquet na flower, isang linggo na nanliligaw sakin si Nial at araw-araw na rin namin siya kasama.

"Ang swerte naman niya."

"Bakit siya pa? Sana ako na lang."

"Can someone slap me now?"

"Ang swerte talaga niya."

"I swear, hindi sila bagay."

"Oo nga, di naman talaga."

Napatingin naman ako kay Nial dahil sa samut-saring opinyon ng mga "Fangirls" niya.

"Don't mind them, you're much prettier than them." Pagkasabi nun ni Nial ay kinindatan niya ako.

Waaaaahh! Kilig! Ano bang nagawa kong mabuti para bigyan ako ng gwapong nilalang na manliligaw?

"Woah! Kayong dalawa ang usapan ngayon dito sa canteen ah." Namamanghang sabi ni Larry at napanganga pa siya.

Bakit, Larry? Selos ka? Hihihi!

"Masyado kayong sweet ah, baka langgamin." Pagkasabi nun ni Yoonri ay binigyan niya ako ng mapanuksong tingin.

Umupo naman na ako at ganon din ang ginawa ni Nial.

Hihihi! Ang swerte ko talaga!

"Ayiiieee! May namumuong libag! Wahahaha!" Pang-aasar pa ni Larry.

"Sus! Ikinaganda niya na yan?"

"Nial must be blind."

"Eeeeeeew! Wala pa sa kuko ko yang babae na yan!"

Napatingin naman ako sa kabilang table at doon ko nakita ang Flirt Girls Z.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Nag-iwas naman ako ng tingin nang sabihin yun ni Queen Flirt.

Ayoko na ng gulo, pero bakit sila ganyan? Hindi ba pwedeng maging masaya ang katulad ko? Oo aminado ako na si Nial ang una kong manliligaw.

"Hi girls! Can you just eat?" At nagsalita ang una kong pag-ibig.

"Oh! Wait? Kinausap niya tayo?"

"I told you girls! Larry is attracted to me." Sabi ni Queen Flirt at pinahampas-hampas niya pa ang buhok niya.

"Well, you're the queen."

Napapailing na lang kaming anim sa mga naririnig namin.

"She believes in herself too much." Sabi naman ni Ariana.

"Well, let's just eat." Pagkasabi nun ni Yanny ay nagfocus naman kami sa pagkain.

Hindi na lang namin pinansin ang paligid, pakatapos naming kumain ay naghiwa-hiwalay na kami ng daan.

Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay pansin ko ang mga nagtitinginan sa akin. Napahinto lang ako nang makita ko ang isang lalaki na parang ewan na nagsasayaw.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon