Chapter Eight: Meet Yanny

1.4K 47 1
                                    

Devi's POV

Maaga akong pumasok ngayon, as usual! Ayoko kasing malate.

"Hey Devi! Ang aga mo namang pumasok?" Narinig kong sabi ni Yanny na kanina ay nasa likuran ko at ngayon naman ay nasa harap ko na.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung nandito na si Nial at ang grupo nila Queen Flirt.

Hangga't maaari gusto ko munang iwasan sila, ayoko na ng gulo. Sa ngayon ay mga kaibigan ko na lang muna ang kakausapin ko pati mga teachers.

"Uy Devi! Tara na! Ano pang nililinga-linga mo diyan? Malelate tayo." Pagkasabi nun ni Yanny ay agad na niya akong hinatak.

Teka? Maaga pa naman ah? Kung sabagay magkaiba kami ng course, baka mas maaga first class niya.

Yung tatlo? Kanina pa sila nandito, actually si Larry may practice ng soccer kanina tapos si Yoonri at Ariana naman ay busy sa pagiging Supreme Student Government Officers. Kaya araw-araw na silang maaga.

"Teka nga, bakit ba nagmamadali ka? Maaga pa naman ah!" Nagtataka kong sabi sa kanya.

"Actually, mamayang 8:00 am pa yung first class ko." Pagkasabi niya nun ay napahinto kami.

7:00 am pa lang, isang oras pa naman ah.

"Magtetake kasi ako ng exam sa isa kong subject kasi mag-eexcuse ako later, may photoshoot kasi ako mamaya." Pagkasabi niya nun ay hinatak niya ako at tumakbo na ulit kami.

7:30 am pa naman ang start ng first class ko pero ayokong tumambay sa school ground, baka kasi makaencounter ko nanaman ang mga Flirt Girls Z.

Mas safe pa ako sa room namin eh hahaha.

Napatigil naman ako sa pagtakbo nang makita ko si Nial, ang ibig kong sabihin ay yung likod niya.

Wow! Maaga pala siyang pumapasok?

"Choco na batok na batok na may ice! Batok na choco na choco na may ice." Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Tall guy na nakikipag-asaran sa kaibigan niya.

"Choco na----

Natawa naman ako nang bigla siyang madapa.

"Hahahahahahaha!" Pagtawa ko na ikinalingon niya.

Nagpeace-sign naman ako at nagpatuloy na kaming tumakbo ni Yanny na natatawa rin.

"Yan kasi pre, lalampa-lampa hahaha!" Narinig ko pang sabi ni Raymond.

* * * * *

Napapahikab na lang ako dahil sa paraan ng pagtuturo ng prof namin ngayon, paano kasi nakakaantok siyang magturo.

Napalingon naman ako sa lalaking nasa labas ng pinto.

Wow! Ang tangkad naman niya! Teka? Si Tall Guy yun ah! Anong ginagawa niya rito?

"Excuse me po sir, ahm pinapatanong po ni Prof. Dimagiba kung naiwan daw po ba niya yung folder niya rito?" Pagtatanong niya kay Prof. Raymundo.

Napakunot ang noo ni Sir Prof nang mapatingin siya sa bangs ni Tall Guy.

"Yes, come here and get it." Pagkasabi ni Sir nun ay agad na pumasok si Tall Guy at syempre yung mga classmate kong usisero at usisera pinagtinginan si Tall Guy.

"Ang tangkad naman ni Bangs Boy." Narinig kong sabi ni Neri na nasa harapan ko lang nakaupo.

"Hayyyysss, and his bangs? Over naman yan! Hahaha!" Natatawang sabi ni Steph.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon