Chapter Five: Meet Larry

1.5K 57 1
                                    


Devi's POV

Napatingin ako sa paligid, bukod sakin ay itong lalaking nakatalikod lang ang tao dito.

Teka! Eh Sino naman 'to! Ano namang ginagawa ko dito sa damuhan na 'to? In fairness ang ganda dito.

Pero teka? Nasaan sila Mommy? Si daddy? Sila Yoonri, Ariana, Yanny at Larry nasaan?

Sino ba 'tong lalaking 'to?

Humarap naman yung lalaki na parang nabasa ata ang iniisip ko.

"Tall guy? Anong ginagawa natin? Nasaan sila mommy? Si Daddy? Si Ariana, Yanny, Larry at Yoonri?"

Nakakapagtaka, kami lang dalawa ang magkasama eh.

Nginitian niya ako pero di ko maaninag ang hitsura niya dahil sa bwisit niyang bangs!

"Wag kang mag-alala, makikita mo rin."

"Princess, wake up na!" Napamulat ako ng mata at tiningnan si mommy.

So panaginip lang pala na kasama ko si tall guy.

Hayyyyss! Buti na lang, akala ko iniwan na ako nila mommy eh huhuhu!

"Anong araw na po ngayon?" Naitanong ko kila mommy na nasa kwarto ko ngayon.

"Monday na ngayon dear." Pagsagot naman ni mommy habang nagtatanggal pa ako ng muta.

Napabalikwas naman ako dahil sa pagkagulat.

Waaaaaah! Nandito na kami sa bahay! Monday na! Wala na kami sa beach!

"Are you okay now my princess?" Pagtatanong naman ng kapapasok lang na si daddy.

"Ano pong nangyari sakin?" Nagtataka kong tanong.

"Nahimatay ka nung pauwi na tayo anak." Pagsagot naman ni daddy sa tanong ko.

Huh? Teka! Ano bang nangyari?

Isip! Paganahin ang isip! Alalahanin ang mga nangyari!

Flashback:

"Bumalik na kaya tayo, baka naghihintay na sila satin!" Pag-aaya ko.

Hayyyysss! Nakakapagod talagang maglakad! Saka medyo nahihilo rin ako.

"Okay ka lang? Bakit parang namumutla ka?" Pagtatanong sakin ni Yoonri.

Medyo nahihilo na talaga ako.

"Tara na, bumalik na tayo, kaya mo pa ba?" Pagtatanong naman sakin ni Yanny at inalalayan niya na rin ako.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon