Chapter Seventeen: I'm a Stalker

850 20 0
                                    


Devi's POV

Agad na nag-bihis ako nang makita ko ang message nila Yanny sa GC.

Nga pala, sabado na ngayon.

May lakad daw kami ngayon at hihintayin daw nila ako, baka nga nasa baba na sila eh.

Speaking of sila, tumatawag na ngayon sakin si Ariana.

"Hello?" Panimula ko.

"Devs! Nandito na kami sa baba, bilisan mo na diyan." Pagkasabi niya nun ay agad kong sinuklay ang buhok ko.
 
Huwaw! Himala!

"Oo, pababa na ako." Pagkasabi ko nun ay kinuha ko naman ang mini bag ko at agad na tinahak ang hagdan naming napakahaba.

Sa susunod nga magrerequest na ako kay daddy na magpalagay na ng elevator dito, hahaha! Charowwwwt!

Ilang minuto pa ay agad na nakababa na ako at dumiretso sa living room kung nasaan sila Yoonri.

"Tara na girl!" Pagkasabi nun ni Yanny ay agad silang nagtayuan at agad na kaming lumabas.

Napa-pout naman ako, masyado naman silang nagmamadali, 1:00 pm pa lang naman eh.

Agad kaming sumakay sa kotse ni Larry at agad naman akong chinika ni Yanny na nasa left side ko, si Ariana naman ang nasa right side ko.

"Psssst, may balak ka ba talagang sagutin si Nial?" Agad na pagtatanong ni Yanny .

Ewan ko kung sa Ika 30th day basta sasagutin ko naman siya eh.

"Oo naman, alam niyo naman diba?" Tiningnan ko naman si Ariana na nag-iwas lang ng tingin, si Yoonri na napatingin sa mirror at si Yanny na taimtim lang akong tiningnan.

"Sure ka na ba? Pwede namang wag na lang diba?" Napatingin naman ako kay Ariana dahil sa sinabi niya, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Ano bang sinasabi niya?

"Hindi siya yung lalaking inaakala mong siya." Sabi naman ng nagmananehong si Larry.

Pati ba naman siya? Ano bang nangyayari sa kanila?

"Ano bang sinasabi niyo? Pwede ba diretsuhin niyo na." May halong pagkalito kong sabi.

"Don't trust him he's just---

"Larry!" Pagputol ni Ariana sa sasabihin ni Larry.

"What? She needs to know it." Pakikipagtalo ni Larry.

"Larry, napag-usapan na natin 'to diba? Siya ang kailangan makatuklas, hindi siya maniniwala at baka masaktan lang siya." Tuloy-tuloy na sabi ni Ariana at walang magawang tumango na lang si Larry at nag-focus na ulit sa pagdadrive.

Ano bang sinasabi nila? Naguguluhan na ako eh, anong kailangan kong matuklasan?

Magsasalita pa lang sana ako nang magsalita si Yoonri.

"Basta kahit anong mangyari, tandaan mo lang na nandito lang kami para sayo." Makahulugang sabi naman ni Yoonri.

Hindi na sila umimik ulit hanggang sa makarating kami sa mall nila Larry.

Una ay pumunta muna kami sa sinehan, nanood kami ng romcom movie at ngayon ay nandito na kami sa Bag store.

Bibili daw ng bagong bag sila Ariana, Yoonri at Yanny kaya makikibili na rin ako, humiwalay naman samin si Larry na bibili daw ng bagong shoes.

My Cute Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon